Chapter Nineteen

5.3K 184 9
                                    

She woke up feeling drained as the effect of the drug has worn off. She adjusted her eyes from the light that was coming from the window as soon as she opened it.

Her eyes widened when she remembered the things she did last night and roamed her eyes around the room. She glances at the left side of the bed and finds it empty. She was alone.

Napahawak siya sa kanyang noo nang isa-isang lumilitaw sa kanyang imahe ang mga bagay na pinaggagawa at pinagsasabi niya kagabi. Simula sa paghuhubad niya sa sasakyan ng binata hanggang sa pagmamakaawa niya rito na angkinin siya.

That fucking drug was full of tricks, and the effect was too strong!

Pangungumbinsi niya sa isipan. Siguro nga ay malakas at kakaiba ang epekto ng droga sa katawan ng tao. Pero sa tingin niya ay hindi naman magiging ganoon ang kahihinatnatan kung hindi rin dahil sa kagustuhan niya. Tinulungan lang siya ng droga na palakasin ang kanyang loob upang magawa ang mga bagay na matagal na niyang gustong gawin.

"Stupid party drug!" Inis niyang hiyaw. "Nakakahiya ka! Bakit kasi hindi mo muna inalam ang mga nasa baso mo bago ininom iyon? Baka mamaya isipin pa ni Monti na isa kang pakawalang babae dahil sabik na sabik kang maangkin ng kahit na sino! Arghhh!" Pagalit niya sa sarili na halos sabunutan na niya ang buhok.

Babangon na siya mula sa kama nang mapansin niya ang isang sulat na nakapatong sa tabing mesa. Kinuha niya iyon at binasa.

Sorry but I have important things to attend to in the office. You have your car at the front porch, I had it delivered this morning. I also left you clothes that you can wear. Eat some breakfast before you leave.

Vermont

Nalungkot naman siya sa ginawang pag-iwan sa kanyang mag-isa ng binata. Sana ay ginising man lang siya nito at nagpaalam nang maayos o kaya ay isinabay na lang siya nito at inihatid sa bahay niya.

Kaysa magmukmok siya roon ay bumangon na lang siya at nagpunta sa banyo para makapaligo na. Isang simpleng puting blouse at jeans ang iniwan roon ng binata para sakanya. May kasama ding bagong panty at bra. Hindi niya tuloy alam kung bakit mayroon itong damit pambabae sa bahay nito.

Could this be his fiancee's?

Para namang siyang nangati nang maisip niya na baka kay Khaela ang damit na iyon. Naiirita siya sa kaalamang, may gamit ang dalaga roon na ibig lang sabihin ay madalas na itong doon natutulog.

Naiinis siya dahil wala siyang magawa kung hindi ang tiisin na isuot iyon dahil wala siyang ibang pagpipilian dahil wala siyang ibang damit. Hindi niya alam kung nasaan ang damit na suot niya kagabi at ang panty naman niya ay natatandaan niyang pinunit nito.

Pagkakuha niya sa kanyang pouch ay nagmadali na siyang bumaba roon at bago pa siya maka-direcho palabas ng bahay ay may tumawag sa kanya na ikinalingon niya.

"Ate Reese!" Masayang sigaw ni Venice.

"Nice?" Hindi makapaniwalang sambit niya. "Ikaw na ba yan?"

Natawa naman ito sa naging reaksyon niya.

"Akala ko hindi mo na ako kilala eh." Anito at lumapit na sakanya. "Kumusta ka na ate? Mas lalo ka pang gumanda ngayon ah."

Agad niyang niyakap ito at gumanti rin naman ito ng yakap sa kanya.

"Dalagang-dalaga ka na, at ang ganda-ganda pa." At sinipat pa niya ang kabuuan nito sa malapitan.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon