Reese walks confidently upon entering their office building. She wears her fierce look, never minding the people surrounding her. She just went straight to her room without glancing at anyone.
She's been the talk of the town, the subject of people's rumors, the antagonist of someone else's love story. Everyone's been talking, gossiping about what her grandfather has done because of her.
Pagkatapos kasi ng pag-uusap nila ng kanyang lolo noong isang araw ay agad na nitong isinagawa ang hiniling niya. Ipinadala nito si Monti sa Bohol para ito ang makipag-usap sa isang kliyente nila roon. Ideya niya iyon para wala ang binata habang pinapaalis ng kanyang Ang-Kong ang pamilya ni Ditas.
Kinausap ng kanyang lolo ang ama ng dalaga na si Mang Mar at ikinuwento nito ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng anak nito. Humingi ito ng pasensiya sa ginawa ni Ditas pero naging matigas ang abuelo sa desisyon nito. Inalok nila ang pamilya para umalis na at lumayo sa lugar na iyon at kung hindi nito tatanggapin ang gusto nilang mangyari ay sisiguraduhin nila na mas lalong maghihirap ang buong pamilya nito.
Mas pinili na lang nina Mang Mar ang tanggapin ang pera para na din malayo sa gulo at mailayo na rin si Ditas sa kay Monti kahit pa nagmakaawa ang dalaga na ayaw nitong iwan ang lalaki. Sa huli ay naging matagumpay ang kanyang plano, burado na sa daraanan niya ang kanyang karibal.
Pumunta pa siya sa bahay ng mag-anak para masiguro kung tutupad ba ang mga ito sa pinag-usapan. Habang pinagmamasdan niya na isa-isang isinasakay ng pamilya ang mga gamit sa jeep na nirentahan ay nakaramdam siya ng kaunting konsensiya. Pero agad din niyang kinastigo ang sarili dahil ginagawa lamang niya iyon nang dahil sa pagmamahal niya sa binata. Wala na siyang iba pang pagpipilian kung hindi ang maging tuso para mapasakanya na ng tuluyan ang lalaki.
Ang isusunod naman nilang isasagawa ay ang panggigipit sa pamilya ni Monti para wala na itong maging pagpipilian kung hindi ang magpakasal sa kanya.
Tahimik siyang nagrereview ng mga proposals nang biglang may pabalibag na nagbukas ng pintuan ng kanyang opisina.
"What did you do?" Galit na sigaw ni Vermont sa kanya. "What the fuck did you do?!" At mas lalo pang sumigaw nang hindi siya sumagot.
Kitang kita niya ang panlilisik ng mga mata nito sa galit. Na marahil kung hindi siya babae at kung hindi siya apo ng amo nito ay baka nasaktan na siya nito.
Alam niyang marahil ay nalaman na nito ang tungkol sa ginawa niya kina Ditas at sa pamilya nito dahil kararating lang ng binata galing Bohol.
"I told you she'll pay for what she did to me the last time, right? Lintik lang ang walang ganti!" Sarkastiko at matapang niyang sagot rito kahit ang totoo ay nakakaramdam siya ng kaunting takot.
She almost jumped from her seat when he hit her table so hard. He was really so angry that it made her tremble in fear.
Pinapakalma niya ang sarili habang sunod sunod ang ginawang paglunok.
Sumungaw naman sa may pinto si Tess na halatang natataranta at natatakot na din sa inaasal ng binata. Sinenyasan na lang niya ito na iwan sila kaya't isinara nito ang pintuan.
"Ikaw ang unang nanakit at hindi si Ditas, tapos ikaw pa ang may ganang maghiganti? At bakit kailangang idamay mo pa ang buong pamilya nila? Bakit kailangang paalisin niyo sila rito sa bayan kung saan sila ipinanganak at lumaki? Ang kapal ng mukha mo para gawin ang bagay na iyon, Morissette!" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito sa kanya. "Hindi niyo pagmamay-ari ang Alcoy para magpalayas ng mga tao ng ganun-ganun lang!"
Masasakit ang mga binibitawan nitong salita sa kanya. Naiintindihan niya ang reaksyon nito dahil galit ito sa ginawa niya pero hindi pa rin niya maiwasang maapektuhan roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/162136682-288-k828350.jpg)
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress
Aktuelle LiteraturWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress Name: Morissette Allfryda Wong Tee Nickname: Reese Codename: Sniper Height: 5'5 ft. Nationality: Filipin...