Chapter Twenty

5.2K 153 3
                                    

Her smile went from ear to ear upon hearing his answer. She must have been a great actress for making him believe in her drama.

Tahimik lang siyang kumakain habang hinihintay itong matapos sa pakikipagusap sa telepono. Narinig niya ang galit na galit na boses ni Khaela bago nito pinutol ang tawag.

"Looks like you're having an argument  with your fiancee because of me." At muli siyang humigop ng sabaw. "You should have not come here, Monti. I don't want to get you into trouble."

Tumingin naman ito saglit sakanya bago muling kumain.

"I don't care if it will cause trouble or whatever. I'm here because I wanted to, period."

"You don't have to do these things for me, but thank you." Saka siya humarap rito. "Gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa mga luto mo. Kaso baka hanap-hanapin ko to." pasaring niya na parang wala naman itong narinig. "How have you been all these years?" Biglang pag-iiba niya sa usapan.

Gusto niyang malaman ang mga nangyari rito sa mga nakaraang taon. Kung tutuusin ay kayang kaya niyang alamin ang lahat ng pangyayari sa buhay nito dahil sa trabaho niya.

She can trace his exact location, she can hack his phone number, his email and his accounts. She can tap any surveillance cameras so that she can know his whereabouts, but she never did. She doesn't want to.

When she left him years ago, she decided that she will no longer be a part of his existence. She will never let their paths cross again no matter what. She doesn't want to feel the pain she once felt before. But mostly, she doesn't want to see him get hurt again because of her.

But maybe destiny have something for the both of them. Her job lead them to meet again, and this time, she will fight for him till the end.

"I've been... well." Sagot nito na mistulang napatulala sa plato nito. "I went to UK to take my masters degree in business management. I've worked there for couple of years before I came back here and ended up working with the Aragons."

"Good for you. Iyon naman talaga ang ginusto ko noong umalis ako, ang mapabuti ka at ang maging masaya." Wika niya habang nilalaro na ang pagkain sa kanyang plato. "Ahmmm... b-bakit hindi kayo nagkabalikan ni Ditas?"

Kulang na lang ay magdugo ang ibabang labi niya dahil sa diin ng pagkakakagat niya roon. Kinakabahan kasi siya sa maaaring isagot nito dahil alam niya na malaki ang naging kasalanan niya noon para humantong sila sa ganito.

"Dahil hindi naman naging kami noon para magkabalikan kami." anito na nagpalingon sa kanya nang marahas.

"A-ano kamo? H-hindi naging k-kayo?" Halos mautal-utal niyang tanong.

Umiling naman ito bilang sagot.

"Dahil ba sa tatay ni Ditas na si Mang Mar? Kasi ayaw niya sayo para sa anak niya?"

Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nito bago sumagot.

"Past is past. We don't need to bring that up. What's important is that, she's happy now, living with her husband and two kids."

Hindi siya nakahuma sa isinagot nito. Mas lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding pagsisisi dahil sa mga nagawa niya noon. Kung hindi sana siya naging makasarili ay parehong masaya na sana ang dalawa sa piling ng isa't isa.

Pero nangyari na ang nangyari at wala na siyang magagawa pa para maibalik iyon. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang iligtas ang lalaki sa panghabang buhay na kalungkutan at pagsisisi kung si Khaela ang pipiliin nitong pakasalan. Hindi karapat dapat ang dalaga para rito at gagawin niya ang lahat para lamang maagaw ito. Siya ang magbabalik ng mga ngiti sa labi nito at habang buhay niya itong pagsisilbihan para makabawi siya sa lahat ng sakit na naidulot niya.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon