Chapter Fifteen

5.1K 175 9
                                    

"Run!" Sigaw niya. Nagsimula nang tumakbo ang lahat maliban kay Monti na nakatingin pa rin sa kanya. "I said run!" Muling sigaw niya dahil hindi ito gumagalaw sa pwesto nito. "Go!"

"Monti!" Tawag rito ni Khaela.

"Santillan, let's go!" At hinila na ito ni Tyron na parang ayaw pang magpahila, mabuti na lang at sumunod na rin ang binata kaya makakapag-focus na siya sa kanyang gagawin.

Isa sa mga requirement nila ay ang dapat palagi nilang suot ang kanilang kakaibang relo at tracker. Kaagad niyang kinontak si Hacker para humingi ng tulong.

"Yes sweetheart?" Anito pagkasagot sa tawag niya. "Hey, what's that noise? Are you in a middle of a gun fight?" Tanong nito nang may sunod sunod na putok ang umalingawngaw.

"Sort of." Sagot niya. "I don't know what's happening and I don't have an idea who's behind this, but there are too many people here that could get hurt if I don't stop those gunmen."

"Wait, let me pull out some cameras in there." At nagtipa na ito sa keyboard. "I'll set up a parameter of the place for you and will send it so you could track their location."

"Thanks." Sagot niya at nilingon ang shooting game na nilaro nila kanina. "I guess I will have to borrow one of these fake rifles." Saad niya habang kumukuha ng isang baril roon.

Narinig niyang tumunog ang suot na relo kaya't sinipat niya iyon at nakita na niya ang ginawa ni Hacker. Mapa iyon ng buong Isla at may umiilaw roon na isang kulay asul na tuldok at walong kulay pula na tuldok. Siya ang asul at ang mga kalaban ang pula. Mabuti na lamang at may mga CCTV sa paligid kaya madaling nakontrol iyon ng kaibigan at maaari na niyang ma-locate ang mga kalaban.

"Still no report about the incident that's occurring in there right now. I'll call the PNP to let them know about the situation and to ask for some back up." Ani Stew sa kabilang linya.

Kinuha niya ang earpiece na nasa relo din niya nakakabit at inilagay iyon sa kanyang tenga para hindi na niya kailangan pang naka-speaker mode para lang marinig ang kausap.

"Send in some rescue too, someone might got hurt during the attack." Aniya at naglakad na papunta sa kung saan naroon ang mga pulang tuldok.

"Sino kaya ang mga gagong iyan? Tanghaling tapat namamaril sa gitna ng maraming tao?" Takang tanong ng kasamahan.

Mayamaya pa ay may mga iilang mga tao ang nagsisipag-tago at nagtatakbuhan palayo habang sumisigaw.

"Mga terorista!" Narinig niyang sigaw ng isang lalaking tumatakbo.

"You heard that Hacker? It looks like it's a terrorist attack." Sabi niya habang gumigilid dahil malapit na niyang makaharap ang mga nanggugulo.

"Really? A group of terrorist in Boracay?" Halos hindi nito makapaniwalang tanong. "Then you better do something to contain the situation before it gets worse."

"What do you think I've been doing?" Sagot niya at yumuko na para magtago sa likod ng isang malaking karatula.

"I gotta go, Archer's on the other line too. Talk to you again, later. Good luck!" Anito sabay putol na sa linya.

She's on her own now.

Palapit na ang mga armadong lalaki kaya't inihanda na niya ang sarili sa pag-atake. Pero nang marinig niya ang pangalan niya ay saglit siyang napahinto mula sa pag-angat niya ng hawak sa pekeng baril. Kaya't mas minabuti niya na makinig na lang muna.

"Bilisan na natin ang paghahanap sa babaeng yan para makasibat na agad tayo bago pa dumating ang mga pulis rito." Wika ng isa sa mga lalaki habang itinuturo ang hawak ng isang kasamahan.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon