"It's so hot in here! I wanna go back to the States. I don't think I can live here, Paps."
She was whining all through out the flight. She really can't stand the heat, coz the humid weather makes her feel suffocated.
Parang wala namang narinig ang lolo niya sa mga pagmamaktol niya. Simula pa naman kasi na lumipad sila galing States papunta rito sa Pinas ay wala siyang ginawa kung hindi ang magmaktol.
Ayaw niyang dito tumira dahil mas sanay na siya sa buhay niya sa Amerika. Limang taon siya nang dalhin siya nito sa States para doon manirahan at mamuhay ng tahimik.
Maaga kasi siyang naulila sa mga magulang, namatay pareho sa isang aksidente kaya't ang lolo niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.
Sunod lahat ang luho niya, bukod sa nag-iisang apo siya at dahil sa nangyari sa kanya noong bata pa siya ay walang bagay na hindi ibinigay ang matanda sa kanya.
Kilala ang kanyang lolo dahil sa kanilang family business. M.A.T. Crafts and Bullets, Inc.. Itinayo ito ng ama ng kanyang lolo na si Manuel Alfredo Tee Sr., at ipinamana rito na siyang pinalago naman nito nang husto. At dahil namatay ang kanyang mga magulang ay hindi na ito naipasa sa kanyang ama.
Kaya't bata pa lamang ay nahilig na siya sa baril. They design and customize guns according to their customer's preferences. They are the one who supply firearms and other weapons to the Philippine Military, and other security agencies from across the globe.
And soon she will inherit this company and she needs to learn on how to manage it properly.
At iyon ang dahilan kung bakit siya gustong dito na sa Pilipinas manirahan ng kanyang lolo. Kailangan niyang matutong hawakan ang kanilang negosyo.
She just finished her senior years in high school at Harvard-Westlake School in Los Angeles, California. Bakasyon naman kaya't pinauwi na siya agad para makapagbakasyon muna siya habang unti-unti niyang pinapag-aralan ang pagpapatakbo ng kumpanya nila. Dito na rin sa Cebu siya balak pag-aralin ng kolehiyo dahil narito ang kanilang pagawaan ng baril at ang main office nila.
Nasa loob siya ng sasakyan at nakatanaw sa labas ng bintana. Kita niya ang malaking arko roon, nasa bayan na sila ng Alcoy. Kahit bata pa siya nang mangyari ang aksidente ay naroon pa rin ang bigat sa kanyang puso. May mga naaalala pa kasi siyang masasayang oras na kasama ang mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito at dito sila nakatira. It was vivid memories, so few that she thought they were all just dreams.
Pagliko nila ay bumungad na sakanya ang kanilang napakalaking gate. Pagpasok nila roon ay may isang mahabang daan patungo sa kanilang mansyon. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang tatlong palapag nilang bahay na may walong malalaking kwarto. Napangiti siya nang matanaw kung sino ang naghihintay roon sa kanilang pagdating.
"Yaya Coring" sigaw niya nang huminto at makababa na sa sasakyan at agad yumakap sa isang may edad nang babae.
Ito ang yaya niya simula bata pa siya hanggang ngayon. Nauna lang itong pinauwi ng kanyang lolo noong isang buwan para asikasuhin na ang lahat ng kakailanaganin niya sa pagtira niya rito.
"Kamusta ang biyahe niyo? Nanibago ka ba sa klima rito?" Tanong ng yaya niya.
"Opo yaya. Sobrang init rito at traffic pa. Not unlike in States. I really am not sure if I can stay here for more than two days." Sabi niya at inikot pa ang mga mata sa ere.
"You'll get used to it, darling. Sa umpisa lang naman iyan." Wika ng isang babae na kalalabas lang ng mansyon.
"Tita Mitch!" Sigaw niya at yumakap din agad dito.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress
Ficción GeneralWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress Name: Morissette Allfryda Wong Tee Nickname: Reese Codename: Sniper Height: 5'5 ft. Nationality: Filipin...