It's been a week since she started her training and she did find herself very much interested and so eager to learn everything for their business.
Nagtaka na nga sakanya ang Tita Mitch niya dahil hindi na niya nababanggit ang kagustuhan niyang bumalik ng States. Kahit ang lolo niya ay natatawa na din dahil sa sinabi niya noon na hindi siya tatagal ng ilang araw sa lugar na iyon pero heto nga at nakaka-dalawang linggo na siyang naroon.
Isa na rin kasi sa dahilan niya ay ang masungit niyang mentor na si Monti. She really liked him a lot and she wanted him to like her back. She never does run after a guy, but with him, she'll do it without thinking twice.
At dahil linggo at walang pasok sa opisina ay malungkot siya kasi kahapon pa niya hindi ito nakikita at nakakasama. Naroon siya ngayon sa kanyang kwarto habang nakatunghay siya sa balkonahe sa kanyang kwarto. Ngayon ay nakakaramdam siya ng boredom dahil wala siyang maisip na gagawin, pero sa totoo lang ay gusto niyang puntahan ang binata.
Nakailang bilang siya sa isipan at makailang ulit din niyang kinakausap ang sarili kung ano nga ba ang dapat niyang gawin sa ngayon. Nagtatalo kasi sila ng isip niya kung dapat ba niyang puntahan ang lalaki sa bahay nito para bisitahin o hintayin na lang niya ang Lunes para makita ito.
Sa huli ay nagwagi ang kagustuhan niyang makita ang binata kaya't agad agad na siyang nagpalit ng damit, nagpaganda at saka bumaba mula sa kanyang kwarto.
Sakto naman na kakalabas lang ng kanyang Tiyahin mula sa kusina.
"Oh you're right on time Reese darling" anito na nilapitan siya. "I baked your favorite cookies, let's eat it while watching some movies." Aya nito sa kanya habang hila hila siya papunta sa kusina.
"I'm sorry Tita, but I can't. I'm going out."
"You're going out? Where? And with whom?" Sunod sunod na tanong nito.
"Gusto ko pong dalawin si Monti sa bahay nila." Pag-amin niya .
Sumilay naman ang ngiti sa labi nito at nanliit pa ang mga mata nito na tila inaasar siya.
"Aakyat ka na ng ligaw sa kanya?" At saka tumawa pa ito na talagang nang-aasar.
"Tita naman eh." Nakasimangot niyang maktol. "I just wanted to see him, that's all." Sagot niya at saka ngumit rin pabalik. "Pero mukhang binigyan mo ako ng idea ah, ligawan ko na nga kaya ang lalaking iyon para hindi na niya ako susungitan." At saka siya tumawa kasama ito.
Nakuwento na kasi niya rito na gusto niyang magpapansin sa binata.
"Puro ka talaga kalokohan! Hayaan mo ang lalaki ang manligaw sayo hindi ikaw ang hahabol. Isa kang Tee at hindi ka dapat umaakto ng ganyan, Reese." Payo nito.
Naiintindihan naman niya na nag-aalala lang ang tiyahin sa kanya.
"I know Tita. But I really liked him. And I want him to like me back too." She said while pouting her lips.
"He will like you, if he see how marvelous you are. You're beautiful and so hard not to be noticed" at sabay kindat sa kanya.
Natawa naman siya. Sana nga lang ay ganoon kadali na mapansin siya ng binata at magustuhan. Pero sadyang mailap ang isang iyon at madalas siyang iniiwasan o tinatanggihan kapag nagaalok siya ng kahit na ano rito. Pawang propesyunal lang ang pakikitungo nito sa kanya.
"I hope so Tita." Sagot niya at bumuntong hininga pa.
"Why don't you bring him some cookies now when you visit him? I'm sure he'll gonna love this too." At saka ito kumuha ng isang lalagyanan at nagsimulang lagyan iyon ng mga cookies.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress
Ficción GeneralWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress Name: Morissette Allfryda Wong Tee Nickname: Reese Codename: Sniper Height: 5'5 ft. Nationality: Filipin...