She has still five days to spend before she starts her training. She then went to the city to go shopping, bar hopping and meet new friends.
Nakilala niya ang mga Fortalejo dahil ito ang banda na tumutugtog sa isang bar na pinuntahan niya. Lahat ng lalaking miyembro na sina Abe, Gus, Pol at Aki ay may kanya-kanyang angking galing sa pagtugtog at pagkanta. At lahat sila ay talaga namang makalaglag panty ang kagwapuhan. Nakasundo niya ang nagiisang babae na miyembro nito- si Sia, na siyang bunso rin sa pamilya. Ang babae at ang kuya nitong si Abe ang lead vocalist ng grupo.
The Fortalejos were one of the richest and influential people in Cebu like her family. And these are the kinds of people she needs to get close with.
Inubos niya ang mga natirang araw para makapagrelax at makapamasyal. Alam kasi niya na sa oras na magsimula siyang pag-aralan ang pagpapatakbo sa kanilang negosyo ay mahihirapan na siyang makatakas roon para gawin ang mga bagay na gusto niya. Gagawin niya ang suhestiyon ng kanyang tiyahin na pagbigyan ang kagustuhan ng kanyang lolo. Mga dalawang linggo siguro ay sapat na bago siya muling magmamaktol at manlalambing rito para siya'y pabalikin na sa Amerika.
At dahil huling araw na lang ng kanyang bakasyon ay naisipan niyang maligo sa dagat. Hindi pa niya napuntahan ang Tikyo Beach na sinasabi ng kanyang lolo.
Nagsuot siya ng hot pink two piece stringed bikinis na pinatungan lang niya ng mahabang t-shirt na kulay puti. At tanging tuwalya lamang ang dala niya at isang maliit na bag bago siya bumaba mula sa kanyang kwarto. Maaga pa naman kaya't hindi pa gaanong mainit sa balat ang sinag ng araw. Tamang tama lang para makapag- sun bathing siya.
"Why don't you eat some breakfast first before you go swimming." Ani ng kanyang tiyahin.
"I'm fine Tita, these fruits will do." Sagot niya na sumubo ng ilang piraso ng grapes at tumusok ng isang pirasong melon. "I'll go ahead, I'm taking the golf cart." Sabi niya habang ipinapakita rito ang hawak na susi.
"Be careful okay? Be sure to be here before lunch time. Dapat andito ka na bago pa tumawag ang Ang-kong mo, dahil kapag wala ka pa, baka magpasugod sa buong Armed Forces of the Philippines iyon para lang mahanap ka at maiuwi." Wika nito na ikinatawa nilang pareho.
Nasa Maynila kasi ang matanda at isa sa mga ibinilin nito ay ang bantayan siya nang mabuti. Maaari naman siyang lumabas ng mansyon pero kapag lalabas siya ng bayan ng Alcoy ay dapat lang na may mga bodyguard siyang kasama.
"Yes Tita." Sagot niya at kumaway na rito.
Agad na siyang sumakay sa golf cart at nagmaneho na siya palabas ng kanilang gate. May mga iilan siyang nakasalubong na mga tao sa lugar nila at sa ilang araw pa lang niya roon ay mukhang kilala na siya ng mga taga roon bilang apo ni Don Manuel.
Pagkaliko niya sa isang daan ay natanaw na niya sa di kalayuan ang dagat. At dahil sa excited siyang masilayan iyon ng buo ay mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo pero agad siyang nakapagpreno nang may biglang tumawid sa harapan niya. Sa sobrang gulat ay nabitiwan nito ang dalang bilao at tumaob iyon sa kalsada.
"Hey are you alright?" Tanong niya habang nagmamadaling bumaba mula sa sasakyan.
Naabutan niyang nagpupulot ito ng mga kakanin na nahulog at ibinabalik sa bilao.
"Pastilan! Gisayang nimo ang akoang mga paninda, hugaw na!" Galit na sita ng babae sa kanya. Pero nang iangat nito ang tingin sa kanya ay parang nagulat pa ito. "Ay kayo po pala Mam. Pasensiya na po hindi ko kayo nakilala agad." Anito sabay tayo.
Nagulat din siya sa biglaang pagbabago ng tono ng pananalita nito sakanya.
"A-ayos lang. Ako dapat ang humingi ng pasensiya dahil kamuntik na kitang masagasaan." Aniya at sinubukan pa niyang pulutin ang ilan pang mga piraso ng kakanin pero agad siyang pinigilan nito.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress
Ficción GeneralWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress Name: Morissette Allfryda Wong Tee Nickname: Reese Codename: Sniper Height: 5'5 ft. Nationality: Filipin...