She's in a chopper heading to Manila and currently preparing herself, arming few weapons that she might use later.
Sa NBI siya didirecho para makipagugnayan muna roon. Itinawag na ni Stewart ang plano niya, at kailangan niyang personal na ipaliwanag ang mga binabalak dahil wala pa siyang konkretong ebidensiya laban sa mga Aragon. At hindi nila maaaring hulihin kapag wala siyang nakuhang mabigat na pruweba na may kinalaman ang mga ito sa illegal na gawain na pwedeng magdiin sa mga ito.
Siguradong sigurado siya na may malaking itinatago ang pamilya roon sa warehouse at isa na roon ang mga droga na lihim na inaangkat nito sa iba't ibang bansa, gamit ang mga baril at armas.
Kapag nahuli na nila ang lahat ng sangkot sa pamilyang iyon ay maaari na niyang mabawi si Monti kay Khaela.
Nasisiguro niya na kamumuhian ng binata ang babae kapag nalaman nito ang mga masasamang gawain nito.She knows that the man was always fair and just, honest and will always side with the truth. He is good man and he shouldn't be with someone like his fiancée, who has a shitty secrets.
Nag-aalala para sakanya ang mga kasamahan niya lalo pa't susugod siyang mag-isa roon. Para sa kanila ay hindi pa sapat ang mga impormasyong nakalap niya at baka mag-'backfire' sa kanya ang gagawin niya.
Ngunit desidido na siya at sisiguraduhin niya na may makukuha siyang mga ebidensiya. Hindi niya hahayaan na matapos ang araw na iyon na hindi niya nailalagay sa loob ng kulungan ang mga dapat managot sa batas.
It is her job to maintain a peaceful and crime free environment. And in order to do that, she must take all bad people down.
Pagkalapag nila sa may headquarters ng NBI ay agad siyang ineskortan papasok sa loob. Doon siya nilapitan ni Inspector II Perseus Montenegro na siyang kontak nila sa loob dahil dati itong kasamahan ni Ellis sa trabaho.
"Inspector Percy Montenegro." Pagpapakilala nito sakanya. "Naitawag na sa amin ang binabalak mo, pero kung ako ang tatanungin ay parang alanganin eh." wika ng binata sa kanya. "Papaano pag wala kang nakitang ebidensiya mamaya? At ang pinaka-mabigat dyan ay papaano kapag nahuli ka? Baka makasuhan ka pa ng trespassing niyan."
"Alam mo na mayroon talagang ginagawang kabalastugan ang mga Aragon kaya't bakit ka natatakot?" Balik niya.
"Hindi ako sa natatakot, pero pare-pareho tayong malilintikan at mananagot kapag nagkamali tayo mamaya. Baka mabaliktad pa tayo at tayo pa ang kasuhan ng pamilya nila. I suggest, you better think about this first before we'll go breaking into their place." At sumandal ito sa may mesa nito at namulsa habang hinihintay ang pagsang-ayon niya.
Aminado siya na talagang matigas ang kanyang ulo at gagawin niya ang gusto niya at ang alam niyang tama. Kaya't hindi siya sasang-ayon sa suhestiyon ni Percy.
"I'm sorry Inspector Montenegro but we don't have much time to think about this. We should get going." Pagmamatigas niya.
"Bakit ang isang kilalang international security agency gaya niyo ay masyadong interesado sa paghuli sa mga Aragon? May nag-utos ba sa inyo? May nagbayad ng malaking pera para sila'y ipahuli? Sino?" Nagtatakang tanong nito.
"I cannot disclose any information, especially with regards our clients info." Seryosong sagot niya.
Hindi pa rin nito dapat malaman ang totoong motibo ng kanilang samahan.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress
Ficción GeneralWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress Name: Morissette Allfryda Wong Tee Nickname: Reese Codename: Sniper Height: 5'5 ft. Nationality: Filipin...