Chapter Twelve

5K 193 14
                                    

Reese decided to tag along with them.
She took her Tita Mitch and her Yaya Coring with her to lessened their doubts on why she abruptly came back to the Philippines.

Mahihirapan yata siya at kailangan niyang pag-igihan ang pagmamanman at ang pagkuha sa loob ng binata dahil mukhang babantayan din nito ang kilos niya pabalik.

Hindi kasi ito naniwala sa kwentong hinabi niya tungkol sa pagkakaroon ng nobyo. At kailangan niyang makaisip ng paraan para mapaniwala ito.

Maaga silang nagpahatid sa may Batangas port dahil naroon ang yacht ng pamilya Aragon. Ito ang gagamitin nila papunta sa Isla ng Boracay.

Nang dumating sila sa pantalan ay naroon na ang Mag-asawang Dante at Hilda Aragon, si Khaela at Monti, at may kasama pang dalawang lalaki at isang babae na hindi niya kilala.

"Glad you've made it." Anas ni Mrs. Aragon at nakipagbeso-beso pa sa kanyang tiyahin.

Nakipagkamay na din siya nang ipakilala sa kanya ang mga iba pang kasama. Ang pinsan ni Khaela na si Faye, kasama ang nobyo na si Tyron pati ang kapatid ng lalaki na si Tyler.

"Rendahan mong mabuti si Tyron Faye, magaling pa namang mang-agaw tong si Reese." Malakas na sabi ni Khaela sa pinsan sabay halakhak. "Joke!" Sabay bawi nito habang patuloy pa rin sa paghalakhak. "Let's aboard the yacht" Nakangiting aya nito sa lahat sabay hila na sa kay Monti na tumingin saglit sakanya bago sumunod sa dalaga.

Kung hindi lang talaga kasalanan ay kanina pa niya sinapak ang babae para manahimik na. Hindi pa nga sila nakaka-alis ay nag-uumpisa na itong mang-asar, paano pa kaya sa mga susunod na araw?

"Iba rin ang bunganga ng anak mo, Hilda, walang preno." Sabi ng kanyang Tita Mitch na mas mukhang naasar kaysa sa kanya.

"Ahmm, just don't mind her. I'll talk to her later." Sagot ng ginang at saka nagpatiuna na sa pagsakay, kasunod sila.

Nilibot niya ang paningin sa loob ng yate. Hindi naman ito gaanong kalakihan tulad ng sakanila. Pero alam niya na milyon din ang halaga niyon.

Hindi kasingyaman nila ang mga Aragon, at kakaunti lang ang mga ari-arian nito noon kaya nga naging retailer lang nila ito ng mga armas nila. Kaya't nakakapagtaka na sa halos tatlong taon lang ng pagsisimula ng mga ito ng kaparehong negosyo nila ay nakabili na agad ito ng ganito kamahal na yate.

How can they afford to buy a yacht that is worth millions in just almost three years of operations?

Nakakapagtaka.

Nakakaduda.

Mas lalo siyang nabibigyan ng hinala na may koneksyon nga ang mga ito sa isang iligal na gawain. Kailangan lang talaga niya makakuha ng konkretong ebidensiya para malaman nila kung sino ang kasabwat nito at para mapahuli na rin niya ang lahat nang may sala, kabilang na ang mga Aragon.

"So how do you find our yacht? Bongga diba?" Bulong sa kanya ni Khaela nang lumapit ito sa kanya.

Naghihintay sila sa pag-andar ng bangkang sinasakyan. Sila lamang ang naroon sa may gilid ng railings dahil abala pa ang iba sa paglapag ng mga gamit sa second deck.

"It's nice." Simpleng sagot niya.

"You're not the only one now who can afford this," ang ngiti nito ay may bahid ng pang-aasar.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon