Chapter Twenty Two

5.2K 168 4
                                    

Maaga pa lang ay bumiyahe na sila papuntang Cebu. Ang private plane ng pamilya niya ang ginamit nila, dahil iyon ang utos ng kaniyang tiyahin. Mas mainam na rin na ganoon para iwas kapahamakan at iwas na rin sa media, lalo pa't kasama niya si Vermont.

Pagdating sa City ay sinundo sila ng driver nila kaya't walang naging problema sa buong durasyon ng kanilang biyahe.

Tahimik lang silang pareho habang nalalapit na sila sa bayan kung saan siya ipinanganak. Sa lugar na minsan niyang nilisan para makalimot sa sakit na dulot ng pag-ibig.

She felt a sense of nostalgia upon seeing the arc with the name of the town on it. It really brings back memories from yesterday. Some of those were happy, but most of it are painful memories. And she can't help but to feel something heavy, crushing over her chest.

Hindi niya maiwasan na sulyapan ang binata sa kanyang tabi na seryoso at direcho lang ang tingin sa harapan ng daan. Ganitong-ganito lang din noong huli niya itong makasama bago siya nagpasyang umalis.

"If you have something to say to me, just spill it out." untag nito sakanya na ikinabigla niya. "Don't just stare at me for too long, coz you're just giving me a hard time thinking about the things that are running through your head." At saka ito humarap sa kanya. "Coz the last time you did that, you ended up leaving without a word."

Nagulat siya sa mga sinabi nito. Naaalala pa pala nito ang nangyari noon. Pero bakit parang pakiramdam niya na imbes na matuwa ito dahil umalis siya noon ay parang mas nagalit pa ata? Ginawa lang niya ang alam niyang tama para hindi na niya ito masaktan pa lalo at maibigay rito ang kalayaan at kasiyahan na nararapat para rito.

"I just can't believe that you're here with me, that's all." At saka siya umiwas ng tingin na rito.

Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit parang bigla siyang nailang sa paraan ng paninitig nito sa kanya. Na para bang may gusto itong sabihin o tanungin sa kanya.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa kanilang mansyon. Wala pa rin namang ipinagbago iyon, maliban sa  siya na lang ang titira roon ngayon dahil wala na ang kanyang lolo at ang tiyahin naman niya ay nasa Maynila kasama ang yaya niya. Mas panatag siya na magkasama ang dalawa kaysa sa maiwan mag-isa ang Tita Mitch niya.

Ibinaba na ang mga gamit niya at ipinadala na niya sa kanyang kwarto. Pagpasok niya sa loob ng kabahayan ay nakaramdam siya ng pinong sakit sa puso dahil naalala niya ang yumaong abuelo.

"This house feels so empty." She said after sighing so deep. "It's so big but I'm all alone."

Naramdaman naman niya ang paglapit ng binata sa kanyang likuran.

"Do you want me to stay here with you?" Alok nito. "So you won't feel alone during your entire vacation."

Nilingon niya ito at ngumiti nang bahagya bago siya umiling.

"I don't want to bother you anymore. It's already enough that you came here with me. I know that you wanted to be with your mom so don't worry about me, I'll be fine. Besides, I'm already used to living alone in States for almost a decade. And I know I can make myself busy so I won't feel alone." At saka siya naglakad at bumaling sa may grand staircase kung saan naroon ang malaking larawan ng kanyang lolo at lola kasama ang kanyang ama't ina.

Sumunod din ang binata sa kanya at pinakatitigan rin ang larawan.

"I'm sure they are all so proud of what you've become." Anito kaya't napabaling siya rito. "You've become braver and wiser, but still a little wicked." At natawa ito nang kaunti. "Tatak na ata ng pamilya niyo ang pagiging ganyan."

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon