Chapter Thirty Two

6.2K 232 13
                                    

When he opened his eyes, all he can see was white walls. He almost thought that he was in heaven and that he had died already. But if dying means he can save her, then he can welcome death as an old friend.

Well the truth is he wasn't ready to die yet. There are still a lot of things that he wanted to do. Things that he wanted to say. He learned from this near death experience was that, time is precious. Not all people have enough time in the world to spend. That you should use it wisely and that every second counts.

And now that he is still alive, he will make sure that he won't be wasting any more time and he'd make every second worthwhile.

Sinubukan niyang gumalaw pero nakaramdam siya ng bahagyang pagkirot sa kanyang likuran at napamura ng mahina.

"Humiga ka na lang kasi muna at huwag mo nang piliting bumangon." Anas ng boses sa may gilid niya.

"How long I've been unconscious, Venice?" Tanong niya sa kapatid.

"Two days?" Alanganing sagot nito. "And a half."

Bumukas naman ang pinto at nanlumo siya nang bahagya nang makita na ang ina ang iniluwa mula roon.

"Nay." Tawag niya.

"Bakit ganyang ang itsura mo? Mukha kang nalungkot nang ako ang nakita mong pumasok? Bakit may hinahanap ka bang iba?" Nasa tono nito ang pang-aasar.

"Tss! Kagigising ko lang at makirot pa ang sugat ko kaya ako ganito." Sagot niya na ginamitan pa niya ng seryosong tono para hindi siya mahalata.

"Ayaw pa umamin eh halatang halata ka na!" Banat naman ng kapatid niya. "Hay naku Kuya, kaya napagod na sayo si Ate Reese eh kasi ganyan ka. Ang hilig mong magpahabol! Paasa ka masyado! Mga lalaki talaga ang hilig magpa-fall tapos wala naman palang balak na sumalo!" Hugot nito.

"Naku tumigil ka na nga diyan Venice at hayaan mo na yang kuya mo na magpahinga. Pag maayos na ang pakiramdam niyan ay matatauhan din yan at sigurado ako na siya naman ang maghahabol." Salo naman ng nanay niya na tila may pinapahiwatig rin sa kanya.

"Ano bang mga pinagsasasabi niyo diyan? Anong hahabol? At bakit ko naman siya hahabulin? At saka kailan ko siya pinaasa?" Tanong niya na medyo iritado.

"Sigurado ka hindi mo siya pinaasa?" Naniniguradong tanong ng dalaga. "Oh well, why would I still bother asking you if you don't have any plans on pursuing after her. Mabuti na rin na umalis siya para makapag-move on na siya sayo. Tagal na rin siyang nagpapakatanga sayo noh!" At inirapan pa siya ng kapatid.

"What are you saying? Reese left?" Tanong niya habang may tila bumundol sa dibdib niya.

"Uhuh! And I wish that she could find someone who can make her happy, someone she deserves. Oras na para sa iba na lang niya ibigay ang pagmamahal niya na binabalewala mo lang." Bumuntong hininga pa ito habang nakangusong nakatingin sa kanya. "Hay kuya, sinayang mo lang ang isang Morissette Allfryda Tee."

Muli itong sinaway ng kanilang ina at hinila na muna palabas para ayusin ang iba pang kakailanganin para makalabas na siya bukas.

She left.

She left... again.

Pakiramdam niya ay parang sumikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. Ibang kirot na ang nararamdaman niya at hindi na iyon dahil sa tama ng bala na tinamo. Mas malalim ang sugat na nakuha niya ngayon dahil kay Reese.

Aaminin niya na mali siya. Siya ang may pagkukulang rito. Noon at hanggang ngayon ay naging gago siya pagdating sa totoong nararamdaman niya.

Naalala pa niya noong una niya itong makita sa warehouse ng pamilya nito sa Alcoy. She was so beautiful. Innocent yet wicked at the same time. He liked her back then, even before he saw her personally. Nakita na niya ang mga litrato nito sa mansyon at nabighani na siya agad rito.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon