Epilogue

9K 306 40
                                    

Reese smiled when she opened her eyes and sees the man lying beside her. She caressed his face and tracing it with her finger tips in a slowly manner to make sure he won't wake up. She knows how tired they are from last night's activity. It was like they participate in some sort of a marathon, no-stopping.

She thought that this was only a dream. A dream that she was too scared to wake up from. But apparently, it wasn't. It was real and very far from fantasy.

Akala niya hindi na niya mararansan ang ganito kasayang pakiramdam sa buhay. Akala niya wala na talaga siyang pag-asa na maging masaya sa piling ni Monti. Kasi ito lang ang lalaking minahal niya nang sobra pero hindi naman niya makuha-kuha.

Ngunit sadya nga sigurong mapaglaro ang mundo. Yung inakala niyang ayaw sakanya, dahil kung makaiwas at makatulak palayo eh wagas. Pero yun pala yung nuknukan ang pagkakagusto sakanya. Iyong tipo na ikamamatay rin kapag nawala siya.

At iyon ang kwento nilang dalawa ni Monti. Hindi siya makapaniwala na mas nauna itong nagkagusto sa kanya at ang mga naging paghihirap nito na mapatunayan ang sarili upang maging karapat-dapat sakanya ay sapat na para maniwala siya rito.

All the pain they both felt, all the sufferings they've been through was all worth it. Because it made them a better person and it made them perfect for each other. And this time, no one, and nothing can ever separate them apart from one another. And if ever someone will dare to try, then both of them will probably put a bullet in their heads.

Kakauwi lang nila kagabi galing sa States dahil kailangan pa niyang manatili roon ng mahigit isang buwan. May mga misyon pa silang kailangang tapusin at mga bagong agents na kailangang turuan.

Hindi na rin ito muna bumalik ng Pinas dahil ayaw siyang iwang mag-isa roon. At nangako raw ito sa kanyang lolo na dapat kasama siya nitong uuwi.

Naunang umuwi sa kanila si Archer, siya ang sumunod at si Ryder naman ay sa isang linggo pa balak umuwi. At ang tatlo pa nilang mga kasama ay baka abutin pa ng ilang linggo roon dahil marami pang kailangang ipasa na trabaho sa mga baguhang agents.

S.I.A.T.T. was now renewed and they swore to keep its integrity intact. There should be no one who would dare to control it again. It should stay true and reliable to each and every mission.

Sina Avi at Ellis ay napagpasiyahan na maging mga trainer na lang ng mga baguhan. Siya naman ay mananatiling taga-gawa at taga supply ng mga armas sa ahensiya. Hindi na sila gaanong sasabak sa misyon pero kung kakailanganin pa din ang serbisyo nila ay handa pa rin nilang ibigay iyon dahil tungkulin pa rin nila iyon.

Iyon kasi ang napag-usapan nilang dalawa ni Vermont. Na kung hindi niya kayang talikuran ang pagiging agent niya ay huwag na sana siyang magpa-assign sa mga delikadong misyon. Nasabi na kasi niya ang buong katotohanan tungkol sa kanyang trabaho at naintindihan naman nito iyon.

Once a S.I.A.T.T. agent, will always be a S.I.A.T.T. agent. You can't turn your back on it, you can't run and you can't hide. It was already engraved into their soul, encrypted into their bones and flesh. It will always be in their hearts.

Kaya malaki ang pasasalamat din niya sa ahensiyang iyon kahit na may mga maling nangyari noon dahil malaki ang naitulong nito sa pagbabago ng kanyang pagkatao.

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at ingat na ingat siya na huwag makagawa ng kahit konting ingay. Ayaw niyang magising ang binata dahil bukod sa alam niyang pagod ito at puyat, ay paniguradong mangungulit na naman ito sa kanya na pagbigyan ulit ito.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon