Chapter Eleven

5.2K 186 9
                                    

She never thought that being an agent would led her to meet again the very same man whom she offered her heart but had scarred it in return.

Alam niyang nasaktan niya noon ang binata at siya rin nama'y nasaktan nito. Pareho lang silang nagkasakitan pero sa huli ay mas pinili niya na itama ang mga pagkakamali niya. Sana nga lang sa paglipas ng panahon ay napatawad na siya nito.

Wala na siyang naging balita pa rito simula nang umalis siya ng Alcoy. Basta ang alam lang niya ay nagresign ang binata, isang buwan halos nang umalis siya at sa Maynila na tumira. Iyon kasi ang kwento ng Yaya Coring niya sakanya.

Hindi na rin niya inalam pa kung nagkabalikan ito at si Ditas noong umalis na siya, pero nang dahil sa misyon niya ngayon ay nalaman niya din na hindi. Ano kaya ang posibleng nangyari noon at hindi nagkatuluyan ang dalawa? At bakit sa dinami-raming babae sa mundo ay kay Khaela pa ito napunta?

Sadya nga sigurong mapaglaro ang mundo dahil sa nangyari, at isang patunay pa ay ang nalalapit na paghaharap nilang muli. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na muling mag-ku-krus ang mga landas nila, at katulad noon ay may nag-mamay-ari pa rin ditong iba.

"Brace yourself Reese, you're here for the mission and not to rekindle your feelings towards Monti. He's just part of the job." Paalala niya sa sarili habang palabas na siya ng NAIA terminal one.

May sarili siyang bahay rito sa Manila at doon siya tutuloy habang isinasagawa niya ang kanyang trabaho. Secured ang lokasyon niya at walang basta basta nakakapasok sa subdibisyon na iyon dahil pulos mayayaman lang ang nakatira roon.

Doon agad siya dumirecho at ni-activate na niya ang sensor sa paligid ng bahay, pati na rin ang security lock sa loob. Si Hacker ang nagdesign at nag-install niyon noong binili niya kasama pa ang kanyang lolo.

Inakala pa nga ng kanyang Ang-Kong na nobyo niya si Stewart dahil mas madalas silang magkasama  noon. Sila kasi ang pinagpapares sa ibang mga misyon. At sila rin naman talaga ang magkasundo dahil sila lang ang nakakapagbiro sa gitna ng laban. Masyado kasing mga seryoso sa buhay ang mga iba nilang kasamahan.

Nakaramdam naman siya ng lungkot ng maalala ang abuelo. Nami-miss na niya ito ng sobra. At ngayong naroon siya sa loob ng malaking bahay at naririto siya sa Pinas ay mas ramdam niya ang pagiging mag-isa.

Agad siyang tumawag sa HQ para ipaalam na nakarating na siya at gagawa na siya ng paraan para maumpisahan na niya ang kanyang trabaho.

"Sniper, I think I found a way for you to start executing your mission." Anas ni Hacker sa kabilang linya.

"How?"

"I'm sending you the invitation." At nagtipa ito saglit sa kabilang linya. "You can thank me later." Pagtatapos nito bago ibinaba ang tawag.

Binuksan niya ang email na sinend sa kanya ng kasamahan. Isa iyong virtual invitation para sa isang annual party para sa industriya ng mga armas.

All the companies that has something to do with guns and weaponry are invited. And for sure her company is invited too, maybe even one of the VIPs, but she never attended this due to her work as an agent. It was usually her grandfather who would always attends to this, but maybe for the last three years, it was her Tita Mitch who represents on behalf of her.

And now, it's time for her to act as the CEO while doing her undercover.

Kaagad niyang tinawagan ang tiyahin para ipaalam na narito siya sa bansa para magbakasyon at ang balak niyang pagdalo sa party. Nagulat ito nang bahagya dahil sa biglaan niyang pag-uwi at ang pagnanais na dumalo. Pero sa huli ay nakumbinsi rin niya ito at agad na tumawag ng ilang kakilala para matulungan siya sa kanyang susuotin mamayang gabi.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon