Pigil-pigil ni Reese ang sarili na matawa dahil sa naging reaksyon ng lahat. Their jaw was literally dropped open upon hearing what she said.
Sa totoo lang ay kahit siya ay nagulat din sa sarili. Ang pag-amin niya sa nararamdaman ay hindi niya inaasahan dahil nalilito pa rin siya sa kung ano nga ba ang totoong nasa saloobin niya.
She really liked him a lot. Hindi na ito simpleng pagkagusto lang, iyong tipo na nais lang niyang mapansin siya nito.
Oo, iyon ang balak niya noong simula, dahil parang nasaling ang kanyang pagiging babae dahil sa hindi siya nito gaanong binibigyan ng pansin. Sanay kasi siya na lahat ay nagkakagusto sa kanya at lahat ay nagagandahan. At bukod tangi lang ang binata na hindi tinatalaban ng kanyang angking alindog.
Sanay siya na lahat ng gusto niya ay nakukuha at lahat ng utos niya ay nasusunod. Pero ngayon ay siya ang pinapasunod nito sa utos nito. Sanay siya na siya ang hinahabol at sinusundan, pero ngayon ay siya ang pilit na naghahabol rito.
Maybe it wasn't just a mere infatuation anymore. Maybe it was more than just an attraction. Well whatever this is, she will surely stand for it no matter what.
"May girlfriend ka na pala kuya?" Ang kapatid ng binata ang unang nakabawi sa pagkakagulat. "Kaya mo ba siya isinama rito para ipakilala sa amin ni Mama?"
"Hindi ko siya girlfriend. At hindi ko siya isinama rito, siya ang nagpumilit na sumama." Sagot ng lalaki na may bahid asar na ang boses at saka siya binalingan. "Tumigil ka na nga sa mga kalokohan mo, at huwag mo nang idamay pa ang pamilya ko."
"Monti! Hindi ganyan ang tamang pagtrato sa babae, hindi iyan ang itinuro namin ng papa mo!" Saway ng ginang.
Hindi naman pa sumagot ang lalaki.
"Hi, ako nga pala si Venice, pero mas sanay akong tinatawag na Nice." At inilahad pa ng dalagita ang kamay sa harap niya.
"You have a cute nickname." Wika niya habang nakikipagkamay rito.
"So balak mong pakasalan si kuya?" Nakangiting tanong nito. "Ibig sabihin nun magkakaron na din ako ng kapatid na babae? Ate Reese na ang itatawag ko sayo ngayon ha." At mahina itong tumili kasabay ang pagyakap nito sakanya.
Yumakap din siya pabalik at sabay silang naghagikgikan.
"Stop it you two!" Galit na sita naman sa kanila ni Vermont. "Pwede ba Venice, huwag mo nang sakyan ang kalokohan ni Morissette! Tsk!"
Imbes na tumigil sila ay mas lalo silang natawa dahil sa itsura ng lalaki na namumula na sa inis.
"Magsitigil na nga kayong tatlo! Halina kayo sa hapagkainan at nang makapananghalian na tayo." Aya ng ginang.
Sumunod naman sila pero naroon pa rin ang ngiti niya sa mga labi na hindi niya maialis.
Magaan ang loob niya kay Nice. Nasa edad kinse lang ito pero matangkad na at dalagang dalaga na ang itsura. Halatang may lahing Latino ang magkapatid na marahil ay nakuha sa kanilang ama.
They both have dark brown hair and has dark grey eyes. He resembles a famous Latino actor- William Levy, which makes him look incredibly sexy.
Nang ihain na ng ginang sa hapag ang mga pagkain ay hinihintay ng tatlo ang kanyang unang magiging reaksyon. Sinabawang gulay, paksiw na isda at pritong isda ang ulam. Wala siyang nakitang iba pang putaheng naroon kung hindi gulay at isda.
She's a meat person and she doesn't like fish. She does eat seafoods specially lobster but fish is her least favorite.
Kung ipapakita niya ang totoong Morissette Tee ay magrereklamo siya dahil ayaw niya ng pagkaing nasa harap niya. Kung paiiralin niya ang pagiging maarte niya ay maghahanap siya ng ibang ulam o tatawag siya sa bahay nila para lang dalhan siya ng sarili niyang pagkain.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress
Fiksi UmumWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked Heiress Name: Morissette Allfryda Wong Tee Nickname: Reese Codename: Sniper Height: 5'5 ft. Nationality: Filipin...