Chapter Thirteen

5.3K 183 21
                                    

Tyler kept her company the entire time they were sailing. She was pretending that her attention was all to him but the truth is, she was still thinking about Monti and what he said before she left him on the top deck.

He sounded sad, like he was hurt when she left him years ago. But she knows better than anyone else, that's what he would've wanted at that time. He doesn't want to be with her but he doesn't have a choice but to submit to her demands for the sake of his family.

She left for him to be free from her. She gave back his life, his freedom, and his chance to be with the woman he truly loved.

Pero hindi ganoon ang nangyari, hindi niya alam kung bakit hindi nagkabalikan ang dalawa. Wala naman na siya sa eksena, wala nang hadlang at wala nang nanggugulo sa kanila, kaya't bakit iba ang inalok nito ng kasal ngayon?

Iyon ang mga katanungan niya sa isip na nais niyang mabigyan ng sagot. Gusto niyang maliwanagan dahil ayaw niyang isipin na walang kinahinatnatan ang ginawa niya.

Nagparaya ba siya sa wala?

Ngunit sa huli ay naisip din niya na, nagparaya man siya o hindi ay iisa lang naman ang totoo noon- Hindi siya ang babaeng gusto nitong pakasalan.

Hanggang sa makarating sila sa Boracay ay magulo ang isip niya.

Dumaong sila sa pinakadulong bahagi ng Station one, na may sariling dock site ang hotel na tutuluyan daw nila. Isa-isa na sila sa pagbaba at inalalayan siya ni Tyler sa mga gamit nilang tatlong magtiyahin.

Ang balak ng mga Aragon ay pagsamahin silang tatlo nina Khaela at Faye sa isang kwarto at ganoon din ang mga lalaki. Pagkatapos ay may sarili ding kwarto ang tita at yaya niya, ganoon din ang mag-asawang Aragon.

Unang nag-react si Khaela dahil ang gusto nito ay makasama ang nobyo sa kwarto. Kahit siya man ay tutol rin dahil hindi niya ito matatagalan na makasama sa loob ng iisang kwarto.

"It's okay Mrs. Aragon, I'll just get my own room, I'm also not used to sharing a room with someone." Aniya at nagpunta sa front desk para magrequest ng room.

Hindi naman na din nanalo si Khaela sa ina dahil mas gusto nito na samahan ng dalaga ang pinsan na kagagaling lang sa kapahamakan.

Kanya kanya na sila sa pagpasok sa mga kwarto. Maganda ang ambiance ng lugar, nakaka-relax. Kung wala nga lang siyang misyon ay susulitin niya sana ang bakasyon niyang iyon. Kaagad niyang kinontak ang HQ para ipaalam ang kanyang kinaroroonan.

"They owned a yacht worth of millions and according to someone I talked to, they often been going out of the country." Aniya sa harap ng kanyang laptop. May video conference call sila nina Hacker, Chief at naroon din pala si Striker na wala na namang imik.

"Where do they usually go?" Si Hacker.

"Different countries." Sagot niya. "Ang sabi pa nung nakausap ko, ang bilis daw ng paglago ng negosyo ng mga Aragon kahit na kakaunti pa lang daw ang mga nagiging kliyente nila."

"Baka nga kasi may mga iligal na transaksyon silang ginagawa." Si Hacker ulit.

"We need concrete evidence that they are involved in an illegal activities and ofcourse their associates too. We need names." Ani Chief.

"I'll update you as soon as I get more useful info. I'll keep track of everyone associated in that company. We'll get to the bottom of this." At pagkatapos ay pinutol na niya ang tawag.

S.I.A.T.T. Series Book 3: The Wicked HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon