2

5.4K 170 16
                                    

Glimpse of smile

Jema's

Andito ngayon ako sa Arena, manunuod ako ng laban ng kapatid ko. Rookie player siya sa UST makakalaban nila ang Ateneo.

Hindi ko alam ang aking mararamdaman ng malaman ko na sila ang makakalaban ng kapatid ko hindi ako nagdalawang isip na manuod.

Isa lang kasi to sa mga araw na makikita ko siya ng walang malisya mga mata na pwedeng manghusga.

Gusto ko siyang makita.

Gusto ko masilayan ang kanyang mukha.

"Jan ka lang Kring puntahan ko lang si Mafe."

"Sige bilisan mo lang malamang ng wawarm up na sila."

Tumango lang ako.

Pumasok ako sa dug out.

Naeexcite ako gusto ko siyang makita.

Pagpasok ko nakita ko ang mga kateammates niya nag wawarm up n sila.

Habang siya nasa gilid lang nakaupo at parang walang ibang nakikita.

My sariling mundo na naman siya.

"Uy Deanna warm up na.." sabi ng kanilang Kapitana

Tumayo siya at sumunod.

"Goodluck Deanna, galingan mo ha." I whispered.

Nagulat ako ng lumingon siya at nagtama ng aming mga mata sobrang kinabahan ako kaya bigla ako tumalikod at umalis.

"Bakit ba sobrang binubuhay ng mga titig niya ang puso kong takot?" I said habang hawak ko ang aking dibdib  pabalik sa kinauupuan ko.

"Bakit para kang nakakita ng multo jan ha?" Tanong sakin ni Kring.

"Ha? Walaa."

Lumabas na sila sa court at nagsimulang magwarm up.

Hindi ko mapigilan mapasulyap sa kanya.

"Ngumiti ka naman." I whispered

"Hoy! Sino ba kinakausap mo?" Tanong sakin ni Kring.

"Ha? Wala."

"Tsaka bakit jan ka ba nakatingin e andun sa kabilang court si Mafe sino ba tinitingnan mo jan." She asked

"Wala tiningnan ko lang kasi ang lalaki ng kalaban nila Mafe matatangkad." Palusot ko

Mukhang nakumbinsi naman siya kay di na nagtanong pa. Sino ba naman kasi magiisip na magkakilala kami ni Deanna.

Oo magkakilala lang, hindi ko naman masasabi na kaibigan ko siya, kilala ko lang siya kasi kagaya ko pareho  kami na pilit namin pinapakisamahan ang magulong mundo na to.

Kagaya ko pareho namin tinatago ang sakit at hirap sa mundong mapang puna.

At kagaya ko pareho naming gusto lumaya.

Lumaya sa preso na kami mismo ang gumawa.

Gusto namin lumipad pero hindi namin magawa kasi kami rin naman mismo ang pumutol sa mga pakpak namin at pinili na manatili dito sa Lupa.

Kapwa kami bilanggo ng takot at husga.

Pareho naming hindi mapalaya ang totoo naming nararamdaman.

Ang totoong kami.

Nagsimula na ako laro, mahahaba ang rally, mabibigat ang mga hapas kapwa ayaw mag patalo ng bawat isa.

Hindi ko alam kung kanino ang gusto ko manalo.

UNCERTAINTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon