38

4.9K 193 46
                                    

Deanna's

"Deannaaa,,oyyy!! Bangon na..gising gising." Bungad sakin ni Pongs habang ginigising niya ako.

Umupo ako at tiningnan ko siya ng masama.

"Ano ba!! Anong bang meron at ginugulo mo ako."

Binato niya ako ng unan. "Game day ngayon PHI vs. Vietnam diba sabi mo manunuod tayo, let's support the Ate Ly and Ate Jia.

Oo nga pala manununod pala kami kasama ang team ng laro nila Ate Ly at Ate Jia kasama sila sa National Team na naglalaro dito sa Indonesia which is nasakto naman na dito kami nag tetraining para sa upcoming PVL open conference kung saan kami ang defending champion.

Since kasali si Ate Jia sa National pool ako muna ang naging starting setter ng team sobrang pressured ako kasi Ate Jia is one of the best setter in the Philippines tas ako magfifill in ng place niya buti nalang with her guidance and support tapos trust ng coaching staff I managed to give them a championship last conference.

Sobrang nag iba na ang lahat.

5months ago I was so down,

I was so broken,

I'm lost,

I didn't know where to start.

I'm not ready, nang bumalik si Jema matapos ko siya hintayin ng walong buwan noon akala ko magiging ok na kami.

Yun kasi ang pinaghandaan ko kung pano ako makakabawi sakanya at kung pano kami mag sisimula ulit.

Kaya lang hindi yun nangyari, oo bumalik siya pero hindi niya ako binalikan.

I got lost, Wala kasi akong plan B masyado ko tinuon ang lahat sakanya.

Plinano ko lahat ang mga bagay bagay para sakanya kaya ng hindi siya bumalik sakin wala akong plano para sa sarili ko.

Akala ko katapusan ko na, akala ko wala na.

Pero sabi nga nila the person who is the reason why you got lost, will be the same person who will make you find yourself again.

Nung maligaw ako, nung mawala ako doon ko nakita ang sarili ko.

Naalala ko nung sobrang wasted ako noon dahil galing ako sa tatlong araw na pagiinum, napanood ko yung isa sa mga interview ni Jema.

It was the time na nagpapaalam na siya na magstop na sa showbiz.

She said. "Pag hindi mo na alam ang dahilan kung bakit mo kailangan magpatuloy, balikan mo ang sarili mo at gawin mo yung dahilan yun para magpatuloy."

I don't know why  but that hit me.

Narealize ko, ni minsan pala hindi ko pinagbigyan ang sarili ko.

I'm so busy pleasing everyone I forgot that I have a life too.

Ginawa kong buhay ang buhay ng iba.

Una si Julia hinayaan ko ang sarili ko na mawasak ng dahil sakanya.

Pangalawa mga fans mga bashers, nabuhay ako na hinahayaan ko na makatanggap ng insulto sakanila, and I strive to make them realize my worth not for myself.

Pangatlo ang pamilya ko, hinayaan ko sila na sila ang magdesisyon sa buhay ko, I'm so passive I didn't fight for what I want.

Pang Apat si Pongs, I thought I owe her my life, that's why I gave it to her, not realizing that giving her my attention is both bad for ourselves.

And Lastly

Si Jema.

I got so inlove in her, I make her my world, kaya ng mawala siya nawala din ako.

UNCERTAINTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon