RID2#Chapter 1
DJ✿°•✮•°✿
"T'yang tapos na ang April Fools, akala ko ang regla mo lang ang laging delayed, hindi pala" Sabi ko sabay hasa ng balisong ko.
"Ikaw Rikky simula nang mamatay si Ising--"
"--hep-hep" taas ko ng palad ko sabay tayo.
"T'yang!" turan ko sa kanya sabay ipit ng balisong ko sa pantalon kong Levi's 501-ukay version.
"Totoo ngang balik eskwela ka na, putragis kang bata ka mabuti pa magtanong ka na ng pwedeng i-summer na mga subjects nang hindi ang paghasa ng balisong ang past time mo, kababae mong tao JuskoLords!" sabi pa nito at ginaya pa ang all time expression ko.
"T'yang una sa lahat, gumawa ka ng sarili mong expression, pangalawa wala akong matinong trabaho para pagkuhanan ng matrikula" saad ko at saka pumasok sa kusina para uminom ng tubig.
"Naibenta na ang lupa na ipinamana sa amin ng mga magulang namin at napaghatian na namin ng kapatid ko kaya may pwede ka ng gamitin 'nak" she smiled at kumuha din siya ng maiinom niya.
"Eh pero mo naman iyon T'yang, wala akong interes doon"
"Rikky, saan ko naman gagamitin iyon"
"Ewan ko T'yang, ibili mo ng viagra si Tatay baka sakaling magkaroon pa ako ng kapatid o di kaya mag artificial insemination kayo, habol-habol pag may time" Sabi ko at saka tumatawang iniwan siya sa kusina. Paano kasi kulang nalang mayupi ang stainless naming baso sa pagkakahawak niya. Nakaplaster na ang inis sa mukha nito.
"Erikka Marikit Soliveeeeennnn, bumalik ka dito" narinig ko nalang na sigaw niya pero sorry siya, mamamasyal na kami ni brownie sa sapa with my friend na siyang susunduin ko na.
Masarap maligo ngayon doon kasi maalinsangan.
"Hoy, Shakira! Tara" sigaw ko sa kaibigan ko na nagtatrabaho sa Manila. Nasa labas siya at may hawak na kahon nang makarating ako sa bahay nila. Mestiza din siya gaya ko kasi anak siya sa pagkadalaga ng nanay niya sa isang afam.
Minsan lang siya umuwi dahil busy nga sa Manila at ayaw niya namang sabihin ang trabaho niya doon. Secret daw baka sumikat pa siya lalo. Baliw lang talaga. Tapos ni hindi kami nagkita noong panahon na nagtrabaho din ako doon.
"Rikky, di pala pwede kasi aalis na daw kami at madami pa akong ikakahon na mga gamit, short notice itong si Nanay eh" kamot niya pa sa kunot niyang noo.
"Itinali ko si Brownie sa puno ng langka sa tapat ng bahay nila. At mula sa labas ay kita kong may mga karton na nga silang nakaempake.
"Hala, magtatanan na ang Nanay mo at amahin mo?" biro ko.
"Tanan mo diyan, kung kailan may kambal na sila ni Nanay saka magtatanan?" sagot niya sabay tingin sa kambal na naglalaro sa loob ng isang malaking kahon.
"Bakit nga kayo aalis?" I asked, biglaan naman kasi.
"May nahanap na trabaho si Tiyong sa isang hacienda at mukhang mas ok doon kaysa dito na hanggang ngayon ay tampulan ng tsismis ang relasyon nilang dalawa ni Nanay, para narin sa kambal siguro"
"Ganon ba?" I said. Malungkot ako na aalis sila pero may magagawa ba ako?"
Shakira sighed.
"Pambihira, di ka ba pwedeng sumaglit sa sapa? Ano si brownie ang kasama kong maligo?" usal ko.
Tumingin siya sa Nanay niya at sa amahin niya. "Nay, sasaglit lang kami ni Rikky sa sapa, ang init kasi" bigla ay sigaw niya at nauna na niyang nilundag si brownie.
BINABASA MO ANG
Rolling in the deep 2
RomanceThe reason she came working as a maid in Manila was her mother and has just died so Erikka Marikit Soliven or better known as Rikky to her friends and Marikit to the brother of her boss has decided to leave the city and to just stay at home to be ne...