Chapter 30 "Bawal pumetiks"

5.8K 1K 63
                                    

RID2#CHAPTER 30
BAWAL PUMETIKS

Wala sa sarili akong pumasok sa eskwela kina-lunesan. The course of the events to happen were vivid in my mind. Alam ko na ang mangyayari. Hindi ko na kailangang pumunta pa kay Ma'am Janet. Didiretso na ako kay  Dean, hindi ko na kailangang makisukob sa intsik kong kaibigan na si Li Jie, dahil may dala na akong payong.

I was anxious to attend my next class kasi alam kong siya ang teacher ko sa Neuropsychiatry but then I was wrong, ni hindi ko nakita ang anino n Gavin.

What happened?

Bakit iba na ang nangyayari?

Is it possible to change the future eh di pa naman nangyayari?

Pero hindi parin ako nawalan ng pagasa.

Alam kong kasama niya si Selena sa office ni Dean mamya.

Alam kong makikita ko siya.

I was convinced until lunch came. Ni hindi namin nasalubong ang kamukha ni Gam. Even Loki, wala siya.

"Huy"  Sharry said nang nasa canteen na kami. I knew I was spacing out.

"Ok ka lang?" She asked nang makitang wala ako sa sarili.

"Ah-m, may sinasabi ka?" I asked her, still confused.

"Sabi ko ano ang kakainin mo?"

"Di ako gutom, ikaw nalang" agaran kong sabi.

"Kailan ka pa tumanggi sa pagkain? Ok ka lang ba talaga?" Ulit na tanong niya.

"Ah, wala lang ako naintindihan sa neuropsychiatry kanina" I said.

"Ah, don't remind me! Oh siya, dito ka muna at bibili lang ako ng food" she said at umalis na.

Habang naghihintay ako ay tumawag ako kay Tiyang.

"Rikky?" she answered.

"Tiyang, di ba bumalik si Gavin?" I asked in a low tone.

"Bakit siya babalik? May nakalimutan ba?"

"Ah, wala ho. Sige ho Tiyang"

"Rikky?" Mamya ay tanong niya.

"Ho?"

"Ok lang matakot anak, at maduwag sumubok pero sana maisip mo na kung hindi mo haharapin ang kinatatakutan mo, hindi ka makakausad sa kinasasadlakan mo."

"Tiyang, hindi naman kasi ganon kadali, alam mo ho yun? Dalawang taon na wala siyang ginawa."

"Kung sa tingin mo, hindi tama ang pag-ignora niya sa iyo ng dalawang taon, tulungan mo nalang ang sarili mong makalimot."

" Tiyang--"

"Kung hindi ka handang umunawa, baka mas handa kang umusad na? Masyadong maiksi ang buhay para pumetiks lang"

"Alalahanin mo lagi na nandito lang kami ng Tatay mo kahit ano pa ang maging desisyon mo"

S-salamat Tiyang" I muttered and dropped the call.

"Huy" untag ulit ni Sharry sa akin na katabi ko na pala.

"Nangyari? Napuwing kaba kunwari? " she gently asked.

Napangiti tuloy ako sa kanya.

"Huwag mo ng isipin, mahal ka naman non eh" Tawa nito.

"Ano bang sinasabi mo?" I asked her.

"Haha, wala para may masabi lang" ngiti nito at nasubo na ng pagkain.

Buong linggo wala ako sa sarili.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon