Chapter 1 - The Reason

296 4 0
  • Dedicated kay Joyce Guevarra
                                    

<Joyce Nichole Olivares' Point of View>

"Central, Central!"

Napukaw ang guni-guni ko nang marinig ang sigaw ng kundoktor ng bus. Dali-dali akong tumayo at bumaba na.

First day of school at badtrip dahil first time kong nag-commute papunta roon. Yes, I own a car. Pero hindi ko pwedeng gamitin iyon dahil isa iyon sa parusa ng mga magulang ko; ang tanggalin ang lahat ng luho sa katawan. Sumagi sa isip ko ang nakaraang pangyayari sa pagitan namin...

4 Months Ago.

"What's the meaning of these?" Umalingaw-ngaw ang mataginting na boses ng daddy pagkapasok na pagkapasok niya sa sala ng bahay.

Automatic ang pagtingala ko at napansin ang iwinawagayway niyang papel na di ko mahulaan kung ano.

"Huh?" Wala akong masabi. Pero nagkakakutob na ko. Nahagip ng paningin ko ang orasan. Wala pa dapat ang daddy ng ganitong oras dahil commonly 7pm ang pinaka-maaga nitong uwi galing sa trabaho. It's only 5:43PM. Isa itong Senior Interior Designer and at the same time ay stock holder sa isa sa pinakamalaking architectural firm ng bansa, ang Synopsis Development Corporation. Lagi itong busy pero pagdating sa aming tatlong magkakapatid ay hands-on talaga siya lalo na pag tungkol iyon sa pagaaral namin. Speaking of pag-aaral, napaigtad ako ng marahas niyang iabot sa akin ang papel na hawak-hawak niya.

"Holy Shit!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang namumulang mga marka sa papel. Copy of Grades ko pala iyon. Sa anim na subjects ay apat ang pula. Lumalagapak na singko! Napangiwi ako.

"Explain." Malamig na sabi ng daddy.

Hindi ako makapagsalita. Lahat ata ng minemorize ko na dapat sabihin sa kanya ay nawalang parang bula. Ang totoo, alam ko na naman talaga na marami akong bagsak na grades simula pa lang ng pagpasok ng pre-finals dahil hirap na hirap talaga 'ko. Wala naman kasing nagsabi sa akin na parang Law ang BS Nursing na kailangang mag-memorize ng buong libro! You heard it right. Buong libro - oh well, hindi naman kasama ung author's note at table of contents! Keri pa sana kung simpleng libro na naglalaman ng mga simpleng salita pero hindi eh! Puro medical terms ito at scientific words. Parang dictionary ng alien. Natatandaan ko pa one time, di ko talaga mamemorize ung homework na binigay ng professor namin, umiyak talaga 'ko. Pa-paano naman kasi, kinabukasan agad ung oral presentation at kailangan ko kaagad masaulo! Kamusta naman un?! Dun ko lang din napagisip-isip na talagang hindi pala 'ko pang-memorization-type na estudyante.

Tumikhim ang dad habang humalukipkip. Napaigtad ako. Hindi ko na naituloy ang naalintanang paglilinis ng kuko sa paa. Umayos ako ng upo at bumuntong hininga.

"I'm sorry dad... " Umpisa ko. "I tried my best..."

"Well, your best wasn't that good enough."

Parang kanta lang? Kung hindi lang seryoso ang daddy ay baka binato ko na siya ng joke. Pero hindi ito ang right time para magbiro. Pagdating sa kalokohan, mabilis akong magisip pero pagdating sa mga seryosong usapan, nahihirapan talaga 'kong mag-explain.

"Eh kasi... " Napakamot na lang ako ng ulo.

"Eh kasi ano?" Nagtitimpi lang and dad base sa nakikita ko. Mahalaga para rito ang pagaaral naming magkakapatid dahil ang pag-aaral daw ang makakaahon sa amin sa kahirapan... As if namang naghihirap kami? Yun siguro ang hindi ko ma-gets dahil lumaki kaming hindi naman naghihirap pagdating sa usapang financial. Ayon sa tsismis ng mommy - tsismis talaga - dati raw mahirap ang mga lolo namin sa father side at ang daddy ang nakapagpa-ahon sa mga ito sa kahirapan. Lima silang magkakapataid, siya ang panganay at siya lang din ang nagtiyagang mag-aral which eventually turned him into what he is right now; a successful businessman. Kabaligtaran ito ni mommy na medyo may kaya sa buhay since birth. Ayon dito ay tutol daw ang parents niya kay daddy dahil nga old skul ang pananaw ng mga ito na dapat sa may kaya rin siya maipakasal. Hindi pa nga lang niya naikwento kung bakit in-good terms na sila ngayon.

"Joyce Nichole! I'm talking to you! Speak, now!" Tumaas na ang boses ng daddy at alam kong inip na inip na siya sa paliwanag na hinihintay mula sa akin.

Tinawag na ung buong pangalan ko. Lagot!

"...h-hindi ko na kayang mag-nursing dad..." Mahinang sabi ko at yumuko. "...nung una kasi kaya ko pang i-manage. B-but during the past months, ang hirap na ng mga subjects, ang dami-dami kasing mine-memorize..."

"You failed because you can't memorize? Is that it?" He cut my words with sarcasm and raised his brows.

"D-dad..."

Hindi ko alam kung pa-paano ako magpapaliwanag. Hindi ako magaling sa ganito. San nga ba 'ko magaling? Until now, I still can't figure out what I really want. I sighed. Hindi ko naman talaga gusto ang mag-nursing. When they asked me before what program I wanted to take, I told them it's BS Tourism. I wanted to be a flight attendant. But they didn't listen. Ayaw daw nila. I asked them why but didn't answer my query. Instead, they forced me to take the nursing program so I could work in the hospital owned by my mom's sister after passing the board exams. I'm not sure of myself that time so I didn't mind. Kibit-balikat ko lang tinanggap kung anong ginusto nila para sa akin and the rest is history. At heto nga, sinasampal na'ko ng katotohanang hindi kaya ng kakarampot kong Hippocampus ang pagme-memorize ng mga medical terms. Short-term memory ata ang meron ako. 512MB lang.

"You could've passed if you just studied very hard. And you didn't. I was expecting more from you and..."

Napakagat-labi ako dahil alam ko na kung ano ang kasunod niyang sasabihin.

"...you disappoint me."

***********************

Author's Little Note:

We're just starting out. It's a long way to go! :)

#FromRichesToRags

#FRTRChap1TheReason

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon