KABANATA 01

5K 82 1
                                    

LUNA'S POV

Marahan kong nilakad ang daanan palabas sa aming mansyon. Pinapakiramdaman ko kung mayroon ba akong makakasalubong na tagapag-silbi. Baka kapag may nakakita sa akin ay mayroong magsuspetsa at makita na tutungo ako sa mundo ng mga tao.

Wala ngayon ang aking kabiyak na si Phobos kung kaya maaari akong tumungo sa lugar na iyon. Mabuti na lamang at binisita niya ang ikalawang kaharian sa mundo ng mga tao.

Pagkalabas ko sa mansyon ay tumungo ako sa lagusan. Ito ang pangalawang lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Walang ibang nakakaalam ng ikalawang daanan na ito kung hindi kami lamang na mga namumuno. Ang angkan lamang ng mga Moiya.

Mabilis kong tinahak ang masukal na kagubatan. "Bakit ba kasi nasa dulo pa ng kagubatang ito ang ikalawang lagusan," maktol ko.

Nang makarating sa dulo ng kagubatan ay mayroong naglalakihang mga pader. Napapalibutan ito ng mga baging. Napangiti ako nang ito'y masilayan.

"Narito na nga ako."

Pinakiramdaman ko ang paligid kung mayroon bang nagmamatyag sa aking kapwa bampira subalit wala. Mabuti naman.

Hinanap ko ang malaking tinik na sa lagusan ay nakapalibot. Itinapat ko sa tinik ang aking hintuturo. Ipinikit ko ang aking mga mata bago idiniin ang aking hintuturo doon. Hindi ko mapigilang mapadaing.

Nagliwanag ang lagusan at ito'y bumukas. Wala akong sinayang na panahon at tinawid ko na ang mundo ng mga tao.

Pagtawid ay puro puno ang sumalubong sa akin. "Mukhang kailangan ko muling lagpasan ang sukal ng kagubatan."

Mabilis kong tinahak ito. Salamat dahil bampira ako at nagkaroon ng kakayahan na kumilos ng mabilis.

Napatigil ako sa pagkilos. Inamoy-amoy ko ang paligid. Wala namang kakaibang amoy ngunit nararamdaman ko na mayroong papalapit.

Inakyat ko ng walang kahirap-hirap ang isang matanda at mataas na puno at naupo sa sanga sa mataas na bahagi nito.

"Nawala ang kanyang presensya," takhang sabi ko sa aking sarili.

"Kamusta?"

Gamuntik na akong malaglag sa sanga kung saan ako naka-upo mabuti na lamang ay nakahawak ako sa sanga.

Agad kong hinawakan sa leeg ang babaeng ito. Inilabas ko ang aking pangil upang siya'y masindak.

"A-ah! P-paumanhin! Hindi ko intensyon na—Hindi ko i-intensyon na saktan ka!" sigaw niya. Pabalibag ko siyang binitawan. Agad siyang humawak sa sanga upang hindi malaglag. Napahawak siya sa kanyang leeg at hinabol ang kanyang hininga.

"Hindi mo ako intensyon na saktan ako?" muling tanong ko.

"Hindi ko kayang gawin yun. Isa lamang akong Arusseb at ikaw ay isang Aklirah," paliwanag niya.

"Nananalaytay sa aking katawan ang dugo ng isang tao. Wala akong pangil gaya mo ngunit may abilidad ako na pang bampira," pagpapatuloy pa niya.

"Ngunit bakit mo ako pinuntahan rito?" takhang tanong ko.

"Nais ko lamang malaman kung bakit ika'y narito. Kumakalat na kasi sa mundo ng mga tao ang masasamang bampira mula sa ikalawang kaharian. Naramdaman kong mabuti ka kaya nais kitang balaan," mahabang kwento nito.

"Ganun ba? Siguro'y napakatagal ko nang hindi pumaparito kung kaya't wala na akong ideya sa mga nangyayari," malungkot na sabi ko.

"Elara... Elara Ifaria ang aking ngalan," pagpapakilala niya.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon