KABANATA 04

1.7K 47 0
                                    

LUNA'S POV

"Anak, umuwi ka na," utos ni Himalia sa kanyang anak pagkarating namin dito sa mansyon.

"Masusunod po, ina. Mag-iingat po kayo palagi. Paalam," sabi nito at hinalikan muna ang kanyang ina sa noo bago umalis. Napangiti na lamang ako.

"Napakaswerte mo sa iyong anak," wala sa sariling aking nasabi.

"Maaaring sa panganay ay swerte, ngunit sa pangalawa ay hindi," nakangiti nitong sagot ngunit mapapansing mayroon itong bahid ng kalungkutan.

"Huwag mong sabihin iyan, Himalia. Bawat sanggol ay biyaya."

"Biyayang sana hindi naagaw sa akin ng iba," makahulugan niyang sabi. Kumunot naman ang aking noo sa narinig.

"Himalia? Maaari kang magsabi sa akin ng iyong saloobin."

Tipid siyang ngumiti at umiling. "Hindi na po, kamahalan. Huwag na lamang nating pag-usapan."

Sinamahan niya ako patungo sa aking silid ngunit bago pa kami umabot ay mayroong humarang sa aming daan.

"Phobos, mahal," nakangiting sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Saan ka galing?" seryosong tanong nito pagkakalas sa yakap.

Nagkatinginan kami ni Himalia. Tila walang gustong lumabas na tinig mula sa aking bibig.

"Sa labas lamang po, kamahalan," sagot nito.

"Oo, galing kami sa labas sapagkat nais kong lumanghap hangin," nakangiting sabi ko rito.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking tiyan. "Tama nga si Adrastea," sabi nito na ikinagulat ko.

"G-galing ka kay Adrastea?" gulat na tanong ko.

"Dumaan ako sa kanya bago tuluyang umuwi rito," sabi niya. Muli kaming nagkatinginan ni Himalia.

"Bakit ka dumaan sa kanya? Anong sabi niya sa iyo?"

"Sinabi niya na mayroong paparating sa atin at tayo'y dapat maghanda. Mag-ingat na rin," masaya ngunit seryosong sabi niya.

"Hindi mo ba nararamdaman na nay humihinga sa iyong loob?" takhang tanong nito sa akin.

"H-hindi," nakayukong tugon ko. Eh sa wala naman talaga akong nararamdaman eh.

"Kaya siguro hindi mo nararamdaman dahil hindi mo naman hinahawakan," bulong nito sa kanang tenga ko. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at inilagay sa aking tiyan. Mayroon akong nararamdamang tila pagpintig ng puso.

"Ngayon, nararamdaman mo na?" nakangiting tanong nito sa akin. Marahan naman akong tumango.

Inialis na niya ang kanyang kamay at ibinaling ang tingin kay Himalia. "Ihatid mo siya sa kanyang silid. Alagaan mo rin siya at huwag pababayaan," utos niya rito kaya umalis na kami at nagtungo sa aking silid.

"Akala ko alam ni Phobos na umalis tayo," sabi ko bago umupo sa kama.

"Maraming salamat nga pala sapagkat pinagtakpan mo ako," nakangiting pasalamat ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Walang ano man po, kamahalan. Hindi ko po gugustuhin na kayo'y magtalo ng iyong kabiyak," nakangiting sabi nito.

"Himalia, maaari ba akong humingi ng pabor?"

"Ano po iyon, kamahalan?"

"Nais kong alamin mo kung mayroong lakad si Phobos ngayon. Alamin mo rin kung saan," utos ko rito.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon