HIMALIA'S POV
"Himalia, tawagin mo na ang haring Phobos, malapit na ang pagsilang ng kanyang anak," utos ng isang komadrona. Agad akong lumabas sa silid ng kamahalan at hinanap ang mahal na hari.
Tunay nga na napakabilis ng oras at ngayon, manganganak na ang kamahalan.
"Nasaan ang mahal na hari?" tanong ko sa kapwa tagapag-silbi na aking nakasalubong.
"Nasa ikatlong palapag," sagot nito kaya mabilis kong tinungo ang daan papunta doon.
"Kamahalan," paunang sabi ko at yumuko. Hindi niya ako nilingon sapagkat nakatitig siya sa langit kaya napatitig rin ako dito.
Pinagmamasdan niya ang bilog na buwan at hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na pagmasdan ito.
"Ano ang sadya?" tanong nito nang hindi inaalis ang tingin sa buwan.
"Manganganak na po ang iyong kabiyak," sabi ko at bigla itong kumaripas ng takbo papunta sa silid ng kamahalang Luna.
Agad ko namang sinundan ito. Pagkarating ko sa kanyang silid ay nakarinig ako ng iyak ng sanggol. Napangiti na lamang ako. Ngayon ay mararanasan na rin niya ang maging isang ina. Alam kong hindi madali ngunit masaya.
Muling tumanaw ako sa loob at napangiti nang makita ang mahal na hari na hawak-hawak ang kanyang anak. Hindi pa rin ito tumatahan sa pag-iyak.
"Maaari bang umalis muna kayo?" tanong ng mahal na hari sa mga tao sa loob ng silid. Yumuko naman sila at isa-isang lumabas. Tumalikod na rin ako at akmang papaalis ngunit napatigil.
"Himalia, tama ba?" rinig kong sabi nito kaya agad akong pumasok sa silid at yumuko.
"Ano po ang aking maipaglilingkod?" aking tanong sa kanya.
"AHHH! AYAN NA SILA! TULONG!" rinig naming sigaw ng isang babae. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw.
"Hawakan mo muna ang aking anak," sabi nito at marahang ibinigay sa akin ang kanyang anak.
"E-europa, anak ko," rinig kong sambit ng kamahalang Luna.
"Himalia, ipangako mo sa aking babantayang mabuti at poprotektahan ang mag-ina ko," sinserong sabi nito.
"Opo, kamahalan. Ipinapangako kong gagawin ang lahat upang sila ay maprotektahan. Hindi ko sila iiwan at aalagaan ko po sila," sabi ko. Tinanguan nya naman ako bilang sagot.
"Mahal, aalis lamang ako. Kapag hindi ako bumalik, tatandaan mong mahal na mahal kita," sabi niya sa kanyang kabiyak at hinalikan ang noo.
"Ano ba ang iying sinasabi?" nanghihinang tanong nito.
"Ang sabi ko, mahal ko kayo ng anak ko. Mahal ko kayo ni Europa," nakangiting sabi nito.
"TULONG!" muli kaming nakarinig nang sigaw. Mga humihingi ng tulong.
"A-anong nangyayari?"
"Hindi ko rin alam, basta mag-iingat kayo ni Europa. Mahal na mahal ko kayo," sabi ng mahal na hari bago muling hinalikan ang kanyang kabiyak at anak bago lumisan.
Pinagmasdan ko ang magandang batang babae na aking hawak. Likas ang kanyang kagandahan gaya ng kanyang ina. Napakaganda niya kahit natutulog. Hindi nakakasawang tumingin sa kanyang maamong mukha.
"Pupuntahan ko s-si Phobos," wala sa sariling sabi ng kamahalan at akmang tatayo ngunit pinigilan ko.
"Kamahalan, huwag po. Mahina pa po kayo," sabi ko at pilit na pinipigilan pa rin siyang tumayo.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...