KABANATA 18

1K 38 1
                                    

EUROPA'S POV

Uwian na namin ngayon at naglalakad pauwi. Hindi ko alam kung paanong nangyaring nakakuha ako ng perfect score doon sa quiz kanina! Iniisip ko nga kung papaano ko nagawa yun.

Pinagmasdan ko ang paligid. Walang ibang tao na naglalakad dito kung hindi ako lang. Papasok na kasi ito sa gubat. Tsaka si Callisto? Hindi ko alam kung nasaan siya.

Napayakap ako sa aking sarili nang biglang umihip ang malakas at malamig ng hangin. Speaking of Callisto.

Luminga-linga ako sa paligid ngunit nagtaka ako dahil wala siya. Alam ko naman kasi na kapag humangin ng ganun, nandyan lang sya sa tabi-tabi.

"Magandang hapon, prinsesa," muntik na akong mapatalon dahil bigla na lamang siyang sumulpot.

"Callisto?! Hindi mo naman ako papatayin sa gulat, hindi ba?" asar na tanong ko sa kanya. Grabe naman kasi ang entrance! Daig pa nya ang kabute!

"Natakot ba kita? Paumanhin," nakangiting sabi niya. Napatitig naman ako sa kanya.

"Bakit po, kamahalan?" kunot-noong tanong niya. Napakurap-kurap naman ako at umiwas ng tingin.

Imbes na sumagot ay nilampasan ko sya at tuloy-tuloy na naglakad. Ewan ko ba, bigla akong nailang sa kanya.

Pagdating sa bahay ay nilagay ko sa aking kwarto yung gamit ko. Ayoko munang lumabas. Feeling ko ayoko siyang makita.

"Kay lalim po ata ng inyong iniisip?" napahawak ako sa dibdib ko. Tinignan ko ang pinto ng kwarto ko. Nakabukas iyon.

"Papaanong... Paano ka—"

"Bampira ako eh," pagputol nya sa sasabihin ko kaya napatakip na lamang ako sa aking mukha.

"Nasaan si nanay?" pag-iiba ko. Alam ko naman kasing pag nagtanong ako ng ibang bagay ay mamimilosopo lang.

"Hindi ko alam kung anong oras ang kanyang uwi ngayon," sagot nito kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

Nanay ko sya at dapat alam ko kung anong oras ang labas nya sa trabaho pero hindi eh. Minsan kasi paiba-iba yung oras ng uwi niya.

"Tara," biglang sabi niya a hinawakan ang aking braso.

"Saan naman?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Sa lugar kung saan ka sasaya."

---

Naglalakad kami ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Akalain mo yun, ang bilis makuha ng bampirang ito ang tiwala ko! Well, di ko rin naman alam kung bakit pinagkatiwalaan ko sya.

Nauuna siyang naglalakad sa akin. Ako naman ay sunod lang ng sunod sa kanya.

Napahilot ako sa aking sentido nang may makitang ilog. Matatawid mo ito sa pamamagitan ng pagtawid sa mga bato.

Naunang tumawid si Callisto habang ako? Pinagmamasdan lamang ang tubig na umaagos.

Nang maramdaman niya na hindi ako sumunod sa kanya ay tumalikod siya at narinig kong bahagyang natawa.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Porke natatakot akong tumawid dito pagtatawanan mo ako?" masungit na sabi ko sa kanya.

"Paumanhin po," sabi niya at binalikan ako.

"Tanggapin nyo po sana ang aking tulong, kamahalan," nakangiting sabi niya. So, may choice pa ba ako? Tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay.

"Nandito na tayo," sabi niya kaya pinagmasdan at sinuri ko ang paligid.

Maraming magagandang bulaklak ang nakatanim dito. Marami rin ang nagtataasang mga puno. Kahit gabi na ay kahit papaano ay naaaninag ko pa rin ito.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon