EUROPA'S POV
"Nay, papasok na po ako," paalam ko kay nanay bago kinuha ang bag ko.
"Oh siya, mag-iingat ka, anak ko," sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Lumabas na ako sa bahay at nagsimulang tahakin ang landas papunta sa school. Mabuti na nga lang pinag-aral ako ni nanay kahit mahirap lang ako.
Ilang sandali lamang ay nasa paaralan na ako. Pumunta na ako sa aming room at umupo sa aking upuan.
"Oh, speaking of the stupid," rinig kong sabi ni Rhea, isa sa mga kaklase ko. Alam kong ako ang pinapatungkulan niya kaya yumuko na lamang ako at hindi siya pinansin.
"Cheapo girl, get out of my sight!" rinig kong sigaw niya. Alam kong malapit lang siya sa akin dahil rinig na rinig ko ang lakas ng kanyang boses.
"Rhea, why so harsh to her?" rinig kong tanong ng kasama nya.
"I hate cheap, you know that. And you know what's the worst? She's one of them."
Napayuko na lamang ako sa kanyang mga sinasabi. Hindi naman kasi porke mahirap ako eh ganito na dapat. Aminado naman ako na cheap pero sobra ang treatment niya sa akin. Hindi fair.
"Ano, hindi ka ba aalis?" mataray na sabi niya na nakataas pa ang kilay. Hindi naman ako umimik at nakayuko lang. Alam kong kapag sinagot ko siya ay mas lalala pa ang sitwasyon.
"Hindi ako nananakit eh, pero pwede nating subukan," sabi niya sabay hawak sa braso ko ngunit bigla niya itong nabitawan. Nagtataka naman ako dahil gulat na gulat siya nang mahawakan ako. Tinignan pa niya ang kamay na pinanghawak sa aking braso at kinuyom.
"What's happening here?" rinig kong tanong ni sir Themisto, class adviser namin na tito ni Rhea.
"Nothing, tito," bored na sabi niya at umirap muna sa akin bago humarap kay sir.
"Nothing? Well then, go in my office after class. We need to talk," sabi ni sir at dumiretso sa harap at inayos ang gamit para magturo. Umayos na rin ang lahat.
Napatingin ako sa side ni Rhea na nakatingin din pala sa akin. Inirapan niya ako kaya napayuko na lamang ako.
Naku naman, paano ba ako napasok sa gulong ito?
---
Tapos na ang aming klase kaya nagsi-alisan na ang karamihan sa aking mga kaklase. Recess kasi namin after ng Math subject which is si sir Themisto ang nagtuturo.
"Europa Ifaria, we need to talk," rinig kong sabi ni sir na nasa likod ko lang. Tinignan ko ang paligid at wala na ang mga kaklase ko. Kaming dalawa na lamang ni sir ang nandito ngayon sa loob.
"Tungkol saan po sir?" tanong ko at hinarap siya.
"Tungkol sa kanina. I just want to apologize for her attitude," sinserong saad nito.
"Ok lang po sir. Sanay na po ako sa kanya," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Please, forgive her. Excuse me," sabi ni sir at umalis na. Naiwan naman ako na nagtataka.
Bakit naman si sir pa ang nagso-sorry sa akin? Nasanay naman na ako kay Rhea kaya ayos lang. Dibale na lang, makain ko na nga lang itong baon kong saging na nilagay ko sa bag kagabi.
THIRD PERSON'S POV
Nagpipigil ng galit si Themisto habang tinatahak niya ang daan patungo sa kanyang office. Gumawa nanaman kasi ng kalokohan ang kanyang magaling na pamangkin.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...