KABANATA 14

1.1K 45 1
                                    

EUROPA'S POV

"Anak, Europa," nakangiting sabi ng isang babae na napakalabo ng mukha. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawag na anak.

"S-sino ka?" takhang tanong ko sa kanya. Imbes na sumagot ay hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti. Napakunot naman ang aking noo.

"Nanay? Hindi! Si nanay Elara ang nanay ko!" protesta ko sa kanya.

Sa halip na magalit siya sa inasal ko at ipagpilitan ang kanyang sinabi ay niyakap niya lamang ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Europa."

Mula sa pagkakayap ng misteryosong babaeng iyon ay unti-unti siyang naglalaho. Hanggang sa naramdaman ko naka-upo ako sa damuhan. Madilim na.

Hindi ko alam kung bakit patuloy ang aking pagluha. Sino ba ang babaeng iyon? Bakit umiyak ako ng hindi ko alam ang dahilan kung bakit?

Nararamdaman ko na nasasaktan ako. Nangungulila. Pero hindi ba't hindi ko na kailangang maramdaman iyan? Nandiyan naman si nanay Elara ngunit bakit nangungulila ako? Nalulungkot? Nasasaktan?

Sa isang iglap ay nakatayo ako sa labas ng isang magandang... bahay? Hindi ko alam kung bahay pa ba ito o mansyon dahil sobrang laki. Makaluma man ang disenyo ngunit napakaganda nito.

Namalayan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad patungo sa loob nito. Nakapagtataka na marami akong nakakasalubong taong maputla sa daanan. Pero bakit hindi nila ako pinapansin?

Tsaka bakit ganito? Pati suot nila ang lakas makalumang panahon. Ano ito, panahon nila Dr. Jose Rizal?

Napahinto naman ako nang biglang makita ang isang silid. Natatangi ito sapagkat maraming tao ang naroon na tila may tinitignan.

Lalapit na sana ako ngunit may humatak sa aking lalaki. Kitang-kita ko ang pangil niya at mayroon pang dugo sa gilid ng labi. Sisigaw na sana ako ngunit tinakpan niya ang aking bibig.

"Anak ni Luna. Hindi kana makakatakas sa akin," sabi nito at humalakhak ng malademonyo.

Hindi ko alam kung anong ginawa nya sa akin. Hindi ako makagalaw at ngayon ay buhat-buhat niya ako. Nasa kagubatan kami. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin.

Tumigil siya sa paglalakad nang may nakasalubong kaming isang lalaki. Hindi ko maaning ng mukha niya. Malabo rin ito.

"Ama, bitawan mo siya," utos ng lalaking nakasalubong namin. Tumawa naman ang lalaking nagbubuhat sa akin.

"Anak, bakit hindi ka na lamang sumama sa akin? Pamumunuan ko ang unang kaharian at magiging prinsipe ka. Bakit hindi ka tumulad sa iyong kapatid?" offer nito doon sa lalaki.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero natatakot ako sa lalaking nagbubuhat sa akin. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa.

"Kilala ko ang aking kapatid. Mabuti siya kaya upang siya'y iyong makuha, ginamitan mo siya ng mahika," sabi ng lalaki at ramdam ko ang gigil nya.

"Kung hindi kita makukuha sa pakiusapan, dadaanin kita sa santong paspasan," galit na sabi nito at ibinagsak ako sa damuhan.

Gusto ko mang sumigaw sa sobrang sakit ng ginawa niya ngunit hindi ko magawa. Walang boses na lumalabas sa aking bibig at ni hindi ko man lang ito maibuka. Paralisado rin ang aking katawan kaya wala akong magawa.

Nanlalabo ang aking paningin at hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ngunit isa lamang ang sigurado ako. Naglalaban sila sapagkat dinig na dinig ko ang daing nilang dalawa.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon