EUROPA'S POV
Hiniwa ko ang aking kaliwang palad. Nang umagos na ang aking dugo ay itinapat ko ito sa bibig ni Callisto. Napapikit na lamang ako dahil sa sobrang hapdi.
Maya-maya ay nasamid siya at biglang napaupo. Tinignan ko ang bahagi kung saan ko siya sinaksak. Naghilom na iyon.
"C-callisto?" nakangiting sabi ko at niyakap ko sya. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng aking luha.
"Kamahalan," rinig kong sabi nito at niyakap ako pabalik.
"P-paumanhin sa nagawa ko. Dapat sayo ako nagtiwala k-kasi diba—"
"Ayos na iyon, kamahalan. Basta napatunayan ko na wala talaga akong ginawang masama. Tapat ako sa iyo, kamahalan," sabi nito at bunataw sa pagkakayakap. Hinarap niya ako at tinitigan.
"May nangyari po ba sa inyong masama noong wala ako?" takhang tanong nito at tinignan ako na tila ba kanyang sinusuri. Natawa naman ako at dahan-dahan na umiling.
Sya pa rin talaga yung bampira na laging bantay ko. My vampire guard.
"Huwag kang mag-alala, ayos lang ako," nakangiting sabi ko dito.
"Adrastea, paano na nyan? Wala na ang kwintas na kanyang suot? Baka may ibang bampira ang makahawak—
"Hindi na kailangan. Babalik tayo sa ating kaharian at haharapin sila," sabi ni Adrastea at tinapik ang kanyang balikat.
"Paano? Hindi natin sila kaya," mahinang sambit ni Callisto.
"Mayroon akong kilala na makakatulong sa atin... Si haring Themisto ng ikalawang kaharian."
Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Callisto noong marining niya ang pangalan ni sir Themisto.
"Pero teka lang. Si sir Themisto? Paano sya naging hari? Bakit hindi ko alam?" takhang tanong ko.
Ang buong akala ko ay isa lang siyang teacher sa school namin yun pala bampira rin sya? Hindi naman nya kami matutulungan kung di sya bampira, hindi ba?
"Mahabang paliwanagan, kamahalan. Sa ngayon, kailangan na nating buhay si Elara at maka-usap ang hari," sabi pa nya.
Napatingin naman ako sa aking kaliwang palad. Hindi ko alam kung bakit pero namamanhid ito at hindi ko maramdaman.
---
Narito kami ngayon sa tapat ng isang magarbong bahay. So, ito pala ang bahay ni sir Themisto.
"Sigurado ka ba na dito ang bahay ni si Themisto?" paninigurong tanong ko kay Adrastea.
"Opo, kamahalan. At isa pa, haring Themisto ang nararapat mong itawag sa kanya. Yumuko ka rin sa kanila bilang paggalang," pahayag nito.
"Inaasahan ko ang inyong pagdalaw," rinig naming sabi ng isang lalaki at bumukas ang malaking pinto ng magarbong tahanan.
"Kamahalan," sabay-sabay nilang sabi at yumuko. Nagtaka naman ako at yumuko na rin.
"Kamahalan, kailangan po namin ang tulong ng inyong kaharian," pahayag ni Adrastea.
"My brother! Sino ba iyang mga—What the?! Ikaw!" rinig kong sabi ng lalaking biglang sumulpot.
Nagsiyukuan ang lahat maliban sa amin ni Callisto. Nang matauhan ay gumaya rin ako sa kanila.
"Prinsipe Thyone," rinig kong sabi ni Adrastea.
"P-prinsipe ka?" takhang tanong ni Callisto sa lalaking kadarating lang.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...