EUROPA'S POV
"Paumanhin po talaga, kamahalan," sabi ni Calli. Kanina pa yan humihingi ng tawad sa akin eh. Paulit-ulit ko naman na sinasabing ayos lang pero ang kulit.
"Isa pang beses na humingi ka ng tawad sa akin. Ako mismo ang magpapakain sa iyo ulit," asar na sabi ko. Nanahimik naman na siya at tumingin na lamang sa kalangitan.
Napatingin ako sa aking kamay na nababalutan ng tela. Piniraso ko kasi kanina ang tela na inuupuan namin ngayon.
"Nagugutom ka po ba, kamahalan?" tanong niya sa akin. Napa-irap naman ako.
"Calli, yung totoo? Katatapos ko pa lang kumain ah?" asar na sabi ko. And yes, tama kayo ng narinig. Ako lang ang kumain dahil sya dugo ko ang ininom.
"Paumanhin kung masyado akong nag-aalala sa iyo. Hindi mo naman po kasi ako masisisi," seryosong sabi nito sa akin.
Ang kanyang nga mata na tila nanghihigop. Tila ayoko nang alisin ang aking paningin sa kanyang mga mata.
"Ang ganda ng paglubog ng araw. Hindi nakakasawang tignan," sabi niya at tumingin sa araw na papalubog na. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya kaya tinignan ko na lamang rin ang araw na papalubog.
"Bakit mo naisipang dalhin ako dito?" tanong ko habang nakatingin sa papalubog na araw.
Mahabang katahimikan ang namayani. Liningon ko sya at nakitang nakatingin siya sa ibaba. Tila nakakalunod ang kanyang iniisip sa sobrang lalim.
"Isang araw, sa isang malayong kaharian ay mayroong masayang hari at reyna. Labis ang kanilang saya sapagkat malapit nang dumating ang kanilang supling," kwento nito kaya napakunot ang aking noo.
"Ngunit nang isinilang na ng mahal na reyan ang kanyang anak na babae ay mayroong hindi inaasahang pangyayari ang naganap," pagpapatuloy nito at tiningala ang papalubog na araw.
"Sa mismong araw ng pagsilang ng mahal na prinsesa, mayroong mga rebelde ang nagnanais na makuha sya sa hindi malamang dahilan," nakita ko ang galit sa kanyang mukha.
"Dahil nanghihina na ang reyna, wala na syang magawa kung hindi ang sumuko. Ngunit nakita niya ang isang kawal," mula sa galit na ekspresyon ay napalitan ito ng tuwa.
"Ipinagkatiwala nya ito dito. Iniutos niya na dalhin ang mahal na prinsesa sa ibang kaharian. Itakas, iligtas at bantayan ito. Ginawa naman ito ng kawal. Hindi niya binigo ang reyna dahil pinanghawakan niya ang kanyang pangako sa reyna."
"Nagampanan naman ng kawal ang kanyang tungkulin na alagaan at bantayan ang prinsesa sa abot ng kanyang makakaya," pagpapatuloy niya.
"Ngunit sa kakaisip sa prinsesa, napabayaan niya ang kanyang sarili," sabi nito at sumilay sa kanyang labi ang mapait na ngiti.
"Anong nangyari sa kawal? Nagkasakit ba sya? Namatay? Anong nangyari sa prinsesa? Kapag namatay ang kawal tiyak mapapahamak ang prinsesa, hindi ba?" curios na tanong ko.
Ibinaling niya ang kanyang paningin sa akin at ang aming mga mata ay nagtagpo. Kitang-kita ko ang pagkaseryoso sa kanyang mukha. Ang mga mata niya na tila nanghihigop. Hindi nito maitatanggi ang pagkaseryoso ngunit may bahid ng lungkot.
"Umibig ang kawal sa prinsesa."
"Problema ba iyon? Wala namang masama sa umibig, hindi ba?" takhang tanong ko.
Lahat naman ng tao ay may freedom. Maaari mong ibigin kung sino ang taong gusto mo. Kahit anong kasarian o estado sa buhay. Ang problema nga lang ay kung kaya ba nilang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...