KABANATA 24

976 36 0
                                    

EUROPA'S POV

"Saan ba kayo galing ni Callisto?" tanong ni nanay sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Anak?" tawag niya sa akin. Pilit niyang iniharap sa kanya ang aking mukha.

"Napano ka? Bakit umiiyak ka?" alalang tanong nito bago ako niyakap. Walang lumalabas na kahit anong salita sa aking bibig. Tanging hagulgol lamang.

"Nanay, si Callisto po... A-alis sya ngayon," umiiyak na sabi ko sa kanya. Nakita ko namang natawa sya ng bahagya bago pinunasan ang aking luha.

"Nasabi na sa akin iyan ni Adrastea, babalik rin sila," nakangiting sabi nito sa akin.

"Pero nay, ang bigat ng pakiramdam ko ngayong alam ko na wala si Callisto sa tabi ko. Paano na lang kung may mangyaring masama sa akin? Walang Callisto na darating at magliligtas," malungkot na sabi ko.

"Kaya nga nandito ako eh. Hindi muna ako papasok sa trabaho ngayon upang bantayan ka. Nandito naman ako eh," nakangiting sabi nito sa akin. Ngumuso na lang ako.

"Ikaw ah, anak. Napapansin kong napapalapit ka doon sa Callisto na iyon. Nagtatampo nga ako kasi parang mas close pa kayo kaysa sa akin," malungkot na sabi nito. Natawa naman ako sa kanya.

"Nanay naman, bawal bang magkaroon ng kaibigan? Ngayon na nga lang po ako nagkaroon ng kaibigan. Kasi sa school lagi akong sinasabihan ng weird at si Callisto... Sya ang naging sandigan ko bukod sa iyo," kwento ko dito.

"Ingatan mo ito," sabi niya at itinuro ang bahagi kung saan nakalagay ang puso. Kumunot naman ang aking noo.

"Anong ibig sabihin mo, nay?" takhang tanong ko. Sa halip na agad sumagot ay ngumiti siya sa akin.

"Basta, mag-ingat ka lang palagi," sabi pa nito at hinaplos ang aking buhok.

"Nanay, anong klase po bang tao ang nanay ko?" wala sa sariling tanong ko.

Sobrang nais kong malaman kung sino ang aking ina. Kahit ba malaman kong mabuti siyang tao ay ayos na sa akin. Gusto ko lang talaga na malaman ang ugali nya.

"Napakabait ng iyong ina..." panimula niya kaya napatitig ako sa kanya.

"Kahit isa lamang akong hamak na Arusseb... Tanggap niya ako," pagpapatulpoy nito.

"Mabuti siyang ba-tao. Mas iniisip nya pa ang aking kapakanan kaysa sa kanyang sarili," kwento pa nya. Nakita ko na sumilay sa kanyang labi ang ngiti.

"Kagaya ni Callisto... Pinasuotan nya rin ako ng kwintas na gaya ng sa iyo. Ang kwintas na nagsilbing proteksyon ko noon... Ngunit wala na ngayon," mula sa pagkakangiti ay unti-unti itong nawala. Nagsimula na rin na tumulo ang kanyang luha.

"Kapag humiwalay sa iyo ang kwintas, ibig sabihin ay wala na ang nagbigay nito. Ngunit ako? Umaasa pa rin ako sa kanyang pagbabalik. Umaasa ako na makikilala mo siya at magkakasama kayo."

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Sinubukan kong pigilan ang aking pag-iyak ngunit wala akong magawa. Mga taksil na luha.

"Napakalaking karangalan sa akin na maalagaan ka. At ang tanging hiling ko lang ay makapiling mo ang iyong tunay na ina. Gustong-gusto ko na makita ka niya na malaki na," humihikbing sabi nito.

Nakaramdam ako ng awa para kay nanay. Nagtatalo ang aking nararamdaman. Gusto kong makilala ang tunay kong mga magulang ngunit paano siya? Mawawalan siya ng anak.

"Nay, may litrato po ba kayo ng aking tunay na ina? Nais ko po siyang makita," umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Sumama ka sa akin," nakangiting sabi nito at pinunasan ang aking luha.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon