EUROPA'S POV
"Prinsesa, gising na po. Nandito na tayo," rinig kong sabi ng pamilyar na boses. Ramdam ko rin na mayroong bahagyang tumatapik sa aking pisngi.
"Mahal na prinsesa," muling sabi nito at tinapik-tapik ang aking pisngi.
"Mukhang pinagod mo ang mahal na prinsesa," rinig kong sabi ng isang babae kaya napamulat agad ako. Naka-upo ako sa kandungan ni Callisto at sapo-sapo niya ang aking ulo. Mabilis naman akong tumayo.
"Ikaw si Adrastea?" tanong ko sa babae. Nandito pala siya sa bahay?
"Ako nga po, kamahalan," nakangiting sagot niya sa akin.
"Callisto? Saan kayo galing?" tanong naman ni nanay sa kanya.
"Paumanhin, inilibot ko lamang ang mahal na prinsesa," sagot nito at bahagyang yumuko.
"Ako'y lilisan na. Elara, ang ating pinag-usapan. Paalam, mahal na prinsesa," muling paalam ni Adrastea. Bahagya pa itong yumuko bago biglang nawala.
"Nay? Ang daming tanong sa utak ko. Maaari mo po ba itong sagutin?" nagsusumamong tanong ko sa kanya.
"Paumanhin anak, kumain kana muna at magpahinga," sabi nito bago hinalikan ako sa noo.
Napabuntong-hininga na lamang ako at matamlay na pumunta sa hapag kainan. Hindi nanaman nasagot ang mga tanong sa aking isip.
---
Nandito ako ngayon sa school. Since pagkagising ki kaninang umaga ay hindi ko pa nakikita si Callisto. Maging si nanay ay hindi sinasagot ang mga tanong ko. Baka si Callisto masagot niya.
Napabuntong hininga na lang ako at umupo dito sa bench. Inilabas ko ang mga notes ko at pilit iniintindi ngunit walang pumapasok sa utak ko.
THIRD PERSON'S POV
Mula sa itaas ng puno ay pinagmamasdan ni Callisto si Europa. Nais niya itong lapitan ngunit hindi niya magawa. Baka kasi may makakita sa kanyang tao.
"Yow what's up?" biglang sulpot ng isang lalaki sa tabi niya.
"Ikaw nanaman?" kunot-noong tanong nya.
"Yes, yes, yes. Natatandaan mo pa pala ako?" nakangiting sabi nito.
"Paano ko makakalimutan ang isang makulit na gaya mo?" sagot niya.
"Ikaw ah, alam mo feeling ko may gusto ka talaga sa babaeng iyan," asar ni Thyone sa kanya at bahagya pang sinundot-sundot ang tagiliran ni Callisto. Sinamaan naman siya ng tingin ni Callisto.
"Ito naman ang sama agad ng tingin," nakangusong sabi nito at tinigilan na niya ang pagsundot sa tagiliran ni Callisto.
"Ano nga ulit yung pangalan ng babaeng yan?" muling tanong niya. Napasulyap naman sya kay Callisto. Nakatitig ito kay Europa at nakangiti.
"Europa... Prinsesa Europa," nakangiting sambit nito.
Napangisi naman si Thyone. "Sabihin mo sa akin ngayon na wala kang gusto sa kanya. May nalalaman ka pang parinse-prinsesa ah!" pang-aasar na sabi nito.
"Hindi mo kasi naiintindihan," walang emosyong sabi niya.
"Anong hindi naiintindihan?! Maliwanag pa sa sikat ng araw na gusto mo sya! Pero huwag kang mag-alala, ayos lang yan. Susuportahan kita!" sabi niya at minasahe pa ang balikat ni Callisto.
Sinamaan siya ng tingin ni Callisto. "Sabi ko nga aalis na ko. Napadaan lang naman talaga ko eh. Hehe. Bye. Good luck sa inyo ng prinsesa mo!" sabi nito at mabilis na nawala. Napailing naman si Callisto sa kakulitan ng misteryosong bampirang iyon.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampirgeschichtenBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...