EUROPA'S POV
"Ang ganda nyo po, kamahalan," nakangiting sabi ni Titania habang inaayos ang aking buhok.
"Bagay na bagay po sa inyo ang suot ninyong itim na bestida," nakangiting dugtong pa nya. Nginitian ko na lamang siya at tinignan anv sarili sa salamin.
"Ayan, tapos na po ang pag-aayos ko sa inyong buhok, kamahalan," sabi nito.
Nakarinig kami ng katok mula sa pinto ng aking silid kaya dali-dali siyang tumakbo doon at binuksan.
"Kamahalan, ipinapatanong ng mahal na reyna kung handa na po kayo sa pagpunta ninyo sa mundo ng mga tao," rinig kong sabi ni Triton kaya napatayo ako at nilingon sya.
Magkapatid sina Triton at Titania Valluen. Isang kawal si Triton at tagapag-silbi naman si Titania.
"Oo," tipid kong sagot at ngumiti ng bahagya.
Nilisan namin ang aking silid at sinimulang tahakin ang silid ni ina.
"Anak," bati ni ina nang makita niya ako. Niyakap niya ako at ngumiti ng malapad.
"Ina," bati ko rin.
"Handa ka na bang tumungo sa mundo ng mga tao at sunduin ang iyong nanay Elara?" nakangiting tanong nito. Ngumiti ako at tumango.
"Opo," sagot ko.
Napag-usapan kasi namin ng aking tunay na ina na si Luna na patirahin at dalhin na rin dito sa aming kaharian si nanay Elara. Wala naman nang kaso sapagkat isa na syang Aklirah. At tsaka Aklirah man o Arusseb, maaari nang pumasok sa aming kaharian. Kung dati ay bawal dito ang mga Arusseb, ngayon pwede na.
Naglakad na kami patungo sa bahay ni nanay. Ilang araw na rin kasi kami hindi nagkikita.
"Malapit na po tayo," rinig kong sabi ni Triton.
Malayo pa lamang ay natanaw ko na ang aming bahay. Kapag nasisilayan ko ito, bukod kay nanay ay may naaalala akong iba pa.
Si Callisto...
Pagkatapos ng digmaan na naganap sa pagitan ng mga rebelde at nga kawal ng ikalawang kaharian ay hindi ko na siya muling nasilayan.
Hindi ko alam kung bakit sya biglang nawala. Sana man lang nagpaalam sya sa akin, hindi ba?
Tsaka yung pangako niya sa akin na hindi nya ako iiwan, nasaan na? Bakit ngayon nawala sya.
"Kamahalan? Mayroon po bang problema?" tanong ni Titania. Ngumiti lamang ako at umiling.
Kung alam nyo lang na sobrang hirap na iwanan ka ng taong nangako sa iyo. Pero sa kabilang banda, nandoon pa rin yung thought na babalik sya. Na baka nagbakasyon lang. Sana nga bumalik na sya.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay ni nanay Elara. Napangiti naman ako nang Makita ang mapupulang rosas sa bakuran nito.
“Luna,” sabik na bati nito at yumakap kay ina.
“Nako, Europa, anka. Ang tagal kitang hindi nakita,” sabi nya sa akin at yumakap. Hinalikan nya pa ako sa noo na lalong nakapagpangiti sa akin.
Ngunit bakit ganito? Kahit nakangiti ako ay parang mayroon pa ring kulang?
“Elara, nais kong sabihin sa iyo na inaanyayahan kita na tumira na kasama ko at ni Europa. Hindi ka naman na iba sa amin,” sabi ni ina dito na ikinangiti naman ni nanay Elara.
“S-sigurado ka bas a iyong sinasabi, Luna? Ano na lamang ang sasabihin ng iyong kabiyak kapag nalaman niya ito?” alalang tanong ni nanay.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...