EUROPA'S POV
Kanina pa ako nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang aking sariling repleksyon.
"Kamahalan, ilang sandali na lamang po at magsisimula na ang pagdiriwang. Pinapasabi po ng mahal na reyna na kailangan nyo na pong lumabas," sabi ni Titania sa akin.
Ngumiti ako sa kanya bago tuluyang lumabas. Kahit wala ako sa mood ay kailangan kong pumunta doon.
Ilang sandali lang ay naka-upo na ako sa isang magarbong silya. Maraming bampira ang nakasuot ng pormal na damit. Napakaganda nilang tignan.
Napako ang aking tingin sa isang banda kung saan naroon ang mga bampirang tumutugtog ng iba't-ibang instrumento.
"Mahal na prinsesa, napakaganda ng musika. Hindi ko hahayaang hindi kita maisayaw ngayong gabi," sabi bg isang lalaki. Nilingon ko siya at nang makita ay tumayo ako at yumuko sa kanya bilang paggalang.
"Haring Themisto," nakangiting sabi ko. Hinatak nya ako patungo sa gitna at inilagay ang kanyang mga bamay sa aking bewang. Agad naman akong humawak sa kanyang balikat. Ilang sandali pa ay nagsimula nang gumalaw ang aming mga paa.
"Noong una pa lamang kitang makita, naalala ko agad si Luna. Akala ko... Nagtakaton lang na magkamukha kayo. Pero anak ka pala nya," pagkekwento niya.
"Pinagmamasdan kita palagi. Nalaman ko ang nangyari sa unang kaharian, ang paglusob ni Deimos... Ang ginawa niya sa iyong mga magulang... Pinilit kong alamin kung sino ka, sapagkat naaamoy ko ang dugo ni Luna na dumadaloy sa iyo."
"Maraming salamat po sa pagtulong ninyo sa amin... Tatanawin ko po itong isang utang na loob," pasasalamat ko sa kanya.
"Humihingi ako ng tawad sa iyo... Sa ginawa ni Rhea... Pasensya na. Kung nalaman ko lang sana agad, hindi na nangyari ang mga iyon," nakayukong sabi nito.
"Matagal ko na pong pinatawad si Rhea," nakangiting sabi ko.
"Kamahalan," sabi ng isang babae at yumuko sa akin.
"Uncle, can I talk to her? Sandali lang po," paalam ni Rhea. Tinanguan naman sya ni haring Themisto bago umalis.
"Princess... S-sorry po sa mga nagawa ko. I admit that I was wrong. S-sorry," nakatungong sabi niya.
"Matagal na kitang pinatawad. Huwag mo nang isipin yon, tapos na eh," nakangiting sabi ko dito.
"Hey, princess, can we dance?" tanong ni prinsipe Thyone.
"Pasensya ang kailangan mo kay uncle. Isip bata at walang common sense yan," natatawang bulong ni Rhea bago umalis.
Hinatak naman ako ni Prinsipe Thyone sa gitna upang sumayaw. Hindi ko alam kung bakit ngiting-ngiti sya ngayon.
"When I first met Callisto... Ang masasabi ko lang ay he is so aggressive," natatawang kwento nito. Napahinto naman ako at napatitig sa kanyang mga mata nang marinig ang pangalan nya.
"Akala nya siguro... I'm one of those bad vampires but I'm not. In fact, I'm a prince," pagpapatuloy nito.
"B-bakit po ba kinukwento nyo si Callisto sa akin?" takhang tanong ko.
"Mabuti na lang at naglibot-libot ako noon, kung hindi ko ginawa yun ay hindi ko sya makikilala," sabi nito kaya kumunot ang aking noo.
Ang layo ng mga sinasabi nya sa tanong ko.
"Sabagay, ano pa nga bang bago? Eh sa mahilig akong tumakas," natatawang sabi nito.
"Don't worry, boto naman ako sa pagmamahalan nyo eh," pahabol pa nitong sabi bago bumitaw sa akin. Umalis ito at sunod na lumapit sa akin ay ang aking ama.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampirosBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...