KABANATA 23

1K 44 0
                                    

EUROPA'S POV

Tumanaw ako sa labas ng bintana at nakita na madilim pa. Senyales na madaling araw na nga.

Napatingin naman ako sa aking kaliwang kamay. Magaling na ito, walang kahit na anong bahid na nagkaroon ako ng sugat. Hindi ko rin alam kung paano ito nangyari na naghilom ng mabilis.

Hindi nga alam ni nanay ang nangyari sa aking kamay kasi pag-uwi ko kagabi ay wala pa sya. Sa sobrang antok, nakatulog na ako.

Dahan-dahan akong lumabas ng bahay at pinagmasdan ang kalangitan. Madilim, walang buwan maging mga bituin.

"Kamahalan, anong ginagawa ninyo dito sa labas? Dapat ay nagpapahinga ka pa ngayon," biglang sabi ni Calli na sumulpot galing sa kung saan.

"Alam mo kasi-teka, nasaan na ang bampirang iyon?" nagulat na lang ako nang bigla siyang nawala. Daig pa ang kidlat sa sobrang bilis.

"Malamig dito sa labas," dinig kong sabi niya sa aking likuran at maya-maya ay may ipinatong na tela sa aking balikat.

"Para hindi ka lamigin, kamahalan," sabi pa nito at inayos ang pagkakalagay ng tela.

"Tumingin ka sa kalangitan. Anong nakikita mo?" tanong ko sa kanya habang nakaturo sa kalangitan.

"Madilim. Walang buwan, maging mga bituin," seryosong sabi nito habang nakatingala sa kalangitan.

"Saan ka pupunta, kamahalan?" kunot noong tanong niya nang bigla akong maglakad. Huminto ako sandali. Nginitian ko lamang siya at patuloy na naglakad.

"Kamahalan, gabi pa. Saan mo ba balak pumunta?" tanong niya. Humarang siya sa aking daan.

"Samahan mo ako," utos ko sa kanya.

"Saan?"

---

"Anong ginagawa natin dito, kamahalan?" tanong niya.

"Mamaya kana magtanong," sabi ko at umupo sa damuhan.

Nandito kami ngayon sa bukid kung saan mahilig akong manood ng sunset.

"Upo ka," nakangiting utos ko sa kanya. Nag-isip pa sya at tila nagdadalawang isip ngunit umupo rin.

"Pagmasdan mo ang kalangitan. Kahapon, sinabi mo na kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglubog rin ng pag-asa ng kawal na iyon."

"Ganun na nga," sagot nito at nakita ko na bahagyang napayuko.

"Kagaya ng kulay ng kalangitan ngayon, ang kanyang nararamdaman..."

"Madilim ang buhay ng kawal na iyon kung mawawala ang prinsesa sa kanya. Mahirap ring mabuhay kung nasa kadiliman ka," pagpapatuloy ko.

"Tutol ako dyan, kamahalan. Hindi naman porke walang liwanag ay mahihirapan na," nakangiting sabi nito.

"Bakit ang mga bulag? Ang ilan sa kanila, kahit madilim ang kinagisnan patuloy pa rin ang buhay," sagot niya.

Natahimik ako sa kanyang sinabi. May punto naman sya eh. Ngunit iba pa rin kasi kapag maliwanag ang kinagisnan.

"Magkaiba kasi yun. Sila, sanay na madilim ang paligid. Pero ang kawal na iyon..." sandali akong napahinto sa pagsasalita at tumingin sa kanya.

"Hindi sanay na madilim ang paligid. Sapagkat ang prinsesa ang nag-iisang liwanag nya."

"Mas gusto nang kawal na pagmasdan na lamang sya mula sa malayo," sagot nito. Napatingin naman muli ako sa kalangitan. Nag-uumpisa na ang pagsikat ng araw.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon