KABANATA 15

1K 44 0
                                    

ELARA'S POV

Nakatalikod ang lalaki sa akin. Pinagmamasdan niya ang aking anak na mahimbing na natutulog. S-sino siya?!

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko at hinawakan ang likod ng kanyang damit.

"Binabantayan ang sya," sagot nya at itinuro ang aking anak.

Sa isang iglap ay wala na ang lalaki kaya sinundan ko ito. Napagtanto ko na lamang na nandito kami ngayon sa puno ng mangga, malapit sa aking tahanan.

Naka-upo siya sa sanga kaya umupo ako malapit dito. Hindi ko makita ang kanyang mukha sapagkat napakadilim, wala man lamang buwan.

"Bakit nasa bahay ka namin?" mahinahon kong tanong sa kanya.

"Upang bantayan ang anak ng kamahalan," simpleng sagot nito.

"Kamahalan? I-ibig sabihin tama nga ako? Anak siya ni Luna—"

"Reyna Luna, oo, anak siya ng reyna," pagputol niya sa aking sasabihin sana.

"Nasaan si Luna?! Ayos lang ba siya? Kamusta siya?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Kahit ngayon ko lamang siya nakilala ay hindi ko alam kung bakit binigyan ko na siya agad ng tiwala.

Umiling-iling lamang siya sa akin. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay ramdam ko ang malungkot niyang awra sapagkat ang tahimik niya.

"Noong ipinanganak ang prinsesa, n-nagbago ang lahat," panimula niya.

Naalala ko noong unang nahawakan ko si Europa. Noong maliit pa lamang siya.

"Sumugod ang mga masasamang bampira. Pinatay nila ang aking ina, wala akong balita sa reyna. Hindi ko alam kung anong nangyari," mahinang sagot nito.

Bumuhos ang aking luha. Si Luna? Ano kaya nangyari sa kanya? Baka naman hindi totoo na kapag humiwalay sa akin ang kwintas ay patay na siya.

"Yung kwintas na suot ng prinsesa, ibinigay sa akin yun ng reyna. Ang sabi niya ipasuot ko daw sa prinsesa upang maging ligtas siya," dugtong pa nito.

"N-nasaan si Luna? May posibilidad ba na buhay siya?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi ko alam. Naiwan siya sa aming kaharian," naiiling na sagot niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit kailangang maranasan ko itong muli. Ang mawalan ng mahal sa buhay.

"M-marami ba ang nakaligtas sa pag-atake ng mga masasamang bampira sa unang kaharian?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako sigurado. Mayroong nakabantay sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Mayroon lamang tumulong sa akin upang makapuslit dito at madala sayo ang prinsesa," kwento nito.

"Madala sa akin si Europa?" takhang tanong ko.

"Ibinilin siya sa akin ng mahal na reyna. Dalhin ko raw siya sayo," sagot nito. Nais kong makita ang mukha niya ngunit madilim.

"At bakit hindi ka nagpakilala sa akin?"

"Dahil ayoko," maikling sagot nito. Na ikinakunot ng aking noo.

"Bakit ayaw mo? Kung nagpakita ka sa akin ng maaga baka... Baka maaga kong nalaman ang lahat."

"Ayokong mapahamak ang prinsesa. Kapag nalaman nila na mayroon siyang kilalang bampira, magiging delikado. Magiging mainit siya sa mata ng mga nais ang dugo, at kapag nakilala siya," paliwanag niya at tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon