KABANATA 20

1K 44 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Callisto," tawag ni Adrastea dito. Naka-upo ito ngayon sa sanga at pinagmamasdan si Europa.

"Ano ang iyong kailangan sa akin?" diretsong tanong nito.

"Yumuko ka sa mga bampirang sa tingin mo ay hindi naman masama," nakangiting sabi nito. Kumunot naman ang kanyang noo.

"At bakit ko naman iyon gagawin?" taas kilay niyang tanong.

"Ang susunod mong makaka-usap na bampira ay ang hari ng ikalawang kaharian. Huwag kang magmarahas sa kanya," pagpapatuloy nito.

"Tsaka alam mo, ang iba mong nakakasalamuha ay may dugong maharlika. Wag kang marahas. Kapag hindi ka naman sinasaktan ay huwag mo ring saktan," natatawang sabi nito.

"Seryoso ka ba... Adrastea? Nasaan na iyon?" takhang tanong ni Callisto nang bigla itong nawala.

Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at napatingin kay Europa. Nag-iisa na laman siya sa classroom. Agad niya itong pinuntahan.

"Mahal na prinsesa, tara na po," aya nito dito.

"Callisto! Bakit nandyan ka?! Baka may makakita sa iyo," tarantang sabi ni Europa na nagmamadaling inayos ang kanyang gamit bago lumapit kay Callisto.

"Wala na ang mga tao," nakangiting sabi pa nito. "Oh sya, sandali lang pala. Pupunta muna ako sa banyo! Banatayan mo muna ang gamit ko ah! Huwag kang susunod! Kahit doon man lang please, wag kang sumunod!" sunod-sunod na sabi nito bago umalis.

"Kahit kailan, hindi siya nabigong pangitian ako," naiiling na bulong nito sa kanyang sarili.

"Ikaw pala ang kanyang tagapag bantay," rinig niyang sabi ng isang lalaki kaya naalerto siya.

"Huwag kang mag-alala. Bampira rin ako at hindi kita sasaktan," sabi nito at mababakas sa kanyang boses ang pagkaseryoso.

"At sino ka?" tanong nito sa lalaki. Naalala niya ang sinabi ni Adrastea kaya napapikit na lamang siya at bahagyang yumuko.

"Themisto Ruego. Hari ng ikalawang kaharian," taas noong pakilala nito sa kanyang sarili.

"Paumanhin po sa aking inasal, kamahalan," sabi niya.

"Itaas mo na ang iyong ulo. Maaari bang ituring mo ako na isang ordinaryo ngayon, maaari ba?" tanong nito kaya napatango na lamang si Callisto.

"Si Europa ba ang prinsesa ng unang kaharian?" diretsong tanong dito ni Themisto kaya napakagat si Callisto sa kanyang labi. Hindi niya alam ang kanyang isasagot.

"Opo kamahalan, siya nga," sabi ng biglang sumulpot na babae.

"Adrastea?" baling dito ni Themisto. Si Adrastea ay bahagya namang yumuko bilang paggalang.

"Ikinagagalak ko pong makita kayong muli, kamahalan," sabi pa nito nang itaas na niya ang kanyang ulo.

"Matagal-tagal na rin simula nang aking makaharap ang isa sa pinakamakapangyarihang bampira," nakangiting puna ng hari sa kanya. Napatahimik naman sio Callisto at nakikiramdam sa kanyang paligid.

"Ngunit nais ko lamang malaman, ano nga ba talaga ang nangyari sa unang kaharian?" naguguluhang tanong nito.

"Mga rebeldeng bampira. Sakim at nilamon ng kadiliman ang kanilang mga puso. Inalipin ang mga naninirahan. Pinatay ang hari at reyna. Ay ang lalaking iyan," turo niya kay Callisto kaya napalingon ang hari sa kanya.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon