EUROPA'S POV
Pabigla kong binuksan ang aming pinto at hinabol ang aking hininga. "Anak? Anong nangyari?" alalang tanong ni nanay bago hinawakan ako sa braso.
Nagmano muna ako bago magsalita. "Nanay! Totoo pala ang mga bampira!" hinihingal na sabi ko dito.
"T-teka nga muna," tarantang sabi niya at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Umupo naman ako sa aming upuan at nagpaypay gamit ang aking kamay.
Nakakapagod kayang tumakbo sa mga iyon!
Nararamdaman ko pa ang panginginig ng aking tuhod. Napahawak ako sa aking dibdib at nararamdaman ang sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso.
"Uminom ka muna ng tubig," sabi niya at inabot sa akin ang kinuhang tubig mula sa kusina.
"Salamat po," sabi ko pagkayaring inumim ito. Naubos ko pala ito.
"Sabihin mo, anak, anong nangyari at bakit takot na takot ka?" tanong niya.
Naipikit ko na lamang ang aking mga mata at bumuntong-hininga. Natatakot ako sa mga nakita kong nilalang kanina. Parang ayaw ko nang lumabas ng bahay.
"Nanay, may tatlong lalaking bampira na humarang sa daan ko kanina! Tapos nay... Tapos alam mo ba noong susugurin na sana nila ako napatakip ako sa mukha ko! Kaso nay alam mo yung nakakabigla?" pa-suspense kong tanong.
"Bakit anak? Anong nangyari?" tanong niya.
"Biglang may malakas at malamig na hangin ang dumating! Tapos pagkakita ko sa tatlong bampira nakabulagta na sila at walang malay! Grabe nanay! Nakakatakot yun! Hindi ko alam na totoo pala ang mga bampira! Akala ko kwento-kwento lang iyon!" kwento ko sa kanya.
"Diba nay! Ang hirap maniwala kapag kwento lang eh! Pero yung naka face to face ko pa yung mga bampira! Iba na yun nay!" dagdag ko pa dito. Natahimik naman si nanay kaya kumunot ang aking noo.
Napansin kong napakalalim ng iniisip niya. Kulang na nga lang malunod na ang sino mang sisid eh. Alam ko namang weird at sobrang hirap paniwalaan ng mga kinekwento ko pero wala eh, yun talaga ang nangyari.
"Nay kung iniisip nyo po na nagsisinungaling ako. Promise nay! Promise di po ako nagsisinungaling! Kilala nyo naman po ako diba nay? Hindi ko po ugali ang magsinungaling, alam nyo yan nay!" mahabang pahayag ko at itinaas pa ang kanang kamay.
"Anak, alam ko na hindi kita pinalaking sinungaling. Naniniwala ako sa iyo," nakangiting sabi ni nanay kaya napangiti ako.
"Salamat po nanay!" tsaka siya niyakap ng mahigpit.
"Anak, hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi talaga ako ang totoong ina mo? Pero anak, tatandaan mo na mahal na mahal kita at hindi itinuturina na iba," nakangiti ngunit may bahid ng lungkot niyang sabi tsaka hinawakan ang aking pisnge.
"Hindi naman po importente kung magkadugo tayo o hindi eh, nanay. Basta ang akin lang, ang swerte ko kasi may nagmamahal sa akin," sabi ko dito tsaka niyakap siya.
"A-anak, may sasabihin sana ako sa iyo," tsaka siya humiwalay sa yakap.
"Ano po iyon, nay?" inosenteng tanong ko.
"Europa, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng mga magulang mo, ng totoong magulang," simpleng saad nito sa akin.
"Bakit palagi nyo po bang sinasabi iyan? Tsaka nasaan po sila? Yung totoong nanay ko? Yung tatay ko po? Nasaan?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ko mapigilan sapagkat gusto ko rin silang makilala.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...