ELARA'S POV
"Ang ganda nito oh, bagay na bagay sa iyo ito, Luna," nakangiting sabi ko sa kanya at ipinakita ang bestidang kulay pula sa kanya. Nandito kami ngayon sa isang tindahan ng mga damit sa mundo ng mga tao, nais ko siyang ipasyal upang makita niya ang iba pang lugar dito.
"Maganda nga ngunit marami na akong bestida. Mas bagay iyan sa iyo," nakangiting sagot niya.
"Binilhin nyo po?" tanong ng babae.
"Ah, hindi eh," sabi ko at ibinalik sa kanya ang bestida. Hinatak ko naman si Luna papalabas dito ngunit nabigla ako sa nakita.
Dapat ay maraming tao sa labas sapagkat ito ay palengke ngunit wala ni isang tao. Nilingon ko ang tindahan ng bestida at napansing nasa sahig ang kaninang bestidang pula na aking hawak. Wala na rin ang babae.
"Elara, napansin mo rin ba? Tayo na lamang ang tao rito," bulong ni Luna at inangkla ang kanyang braso sa aking braso.
Papaalis na sana kami nang buglang mayroong dalawang lalaking humawak sa akin. Sa isang iglap ay mayroon na ring lalaking nakahawak kay Luna. Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha ngunit hindi ko makita sapagkat nakatakip ito at bibig lamang ang aking nakikita.
"Anong kailangan nyo sa amin?!" lakas loob na sigaw ko sa mga ito.
"Sa iyo wala kaming kailangan, ngunit dito sa kasama mo, meron," seryosong sabi ng nakahawak sa akin sa bandang kaliwa kaya naalarma ako.
"Akin si Luna," sabi ng lalaking nakahawak kay Luna.
"Elara, tulong!" sigaw nito ngunit bigla siyang naglaho kasama ang lalaki.
"Anong ginawa nyo sa kaniya?!" sigaw ko sa mga lalaking nakahawak sa akin ngunit hindi sila sumagot at hinigpitan lamang ang pagkakahawak sa akin kaya wala akong magawa kung hindi mapadaing.
Tinignan ko ang nakasabit sa aking leeg na kwintas na bigay ni Luna. Ngayon ko lamang napansin na wala na ito sa akin.
H-hindi kaya... Wala na si Luna?
Mula sa senaryong iyon na mayroong nakahawak sa aking dalawang lalaki ay nagbago ang paligid.
Masukal, puro puno at walang kahit anong nilalang ang narito maliban sa akin. Nasa loob ako ng gubat, naglalakad at hindi alam kung saan pupunta.
Huminto ako sa paglalakad at ipinikit ang aking mga mata. "A-anong nangyayari?!" asar na sabi ko nang mapagtantong hindi ko na maimulat ang aking mga mata.
"Wala na siya," bulong sa akin ng isang lalaki at hinablot ang kwintas na suot ko.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa isang mansyon ako. Nagkakagulo sa isang silid sapagkat maraming nakakumpol na tao doon. Ano kayang kaganapan dito?
Marahan akong naglakad patungo sa mga nagkukumpulang tao. Nakipagsiksikan ako upang makita kung ano ang kanilang tinitignan.
"L-luna?" takhang sabi ko nang makita si Luna na nakahiga sa kama. Napatingin ako sa lalaking nasa kanyang tabi at mayroong hawak na sanggol.
Hahakbang na sana ako papalapit kay Luna upang tanungin kung iyan na nga ba ang kanyang anak subalit nagbago ang paligid.
Naka-upo ako sa sanga at sa bandang kaliwa ay mayroon ring naka-upo na isang babae.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...