PHOBOS' POV
Papalabas ako sa aming mansyon. Iyakan doon, iyakan dito. Patayan kahit saan. Maswerte kung maalam ka ng itim na mahika. Mayroon kang panlaban sa masasamang bampira.
Bago pa ako tuluyang makalabas ay may humarang sa aking hindi inaasahang bisita.
"Phobos, taksil kong kaibigan. Kamusta ka na?" nakangising tanong nito.
"Anong kaguluhan nanaman itong dala mo, Deimos?" galit na tanong ko sa kanya.
"Wala ka pa ring ipinagbago simula noon. Mainitin pa rin ang iyong ulo. Hindi ko malaman kung bakit natagalan ka ni Luna," natatawang pang-iinsulto nito.
"Bakit hindi mo na lang tanggapin na ayaw niya sayo?" pang-iinsulto ko sa kanya pabalik.
Nandilim ang kanyang paningin at nagtangis ang bagang. "Paano niya ako magugustuhan kung naunahan ako ng ahas kong kaibigan? Ahas na walang ibang ginawa kung hindi manira ng kasiyahan ng iba. Ahas na walang kahit kaunting pag-aaruga sa iba. Ang saya, hindi ba?"
Naramdaman ko ang paglabas ng aking pangil. Naiinis ako sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko naman ninais na magkagusto sa taong gusto niya eh.
"Kahit kailan, hindi ko ginusto na magkasira tayo," ubos pasensyang sabi ko.
"Hindi mo ginusto? Ngunit bakit kinuha mo ang matagal ko nang minamahal? Walang kwenta kang kaibigan. Kahit kailan ay hindi ko maiisip na gagawin mo iyon. Walang silbi, inutil—"
Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin at kinuha ang espada na malapit sa akin at itinutok sa leeg niya.
"Tumigil kana, hindi totoo iyang mga sinasabi mo," nagpipigil sa galit kong wika.
"Hanggang ngayon pa rin ba, hindi mo maamin sa sarili mo na kaya ako nagkaganito, kaya ako nagrebelde dahil sa iyo! Kasalanan mo ang lahat. Kasalanan mo!" sigaw niya sa akin at tila hindi nasisindak sa espadang nakatutok sa kanyang leeg.
"Sa tingin mo, ikakamatay ko ang pagtarak mo ng espadang iyan sa akin?" nakangising sabi nito at humakbang paabante kaya napaatras naman ako.
"Tumigil ka na," maotoridad kong utos sa kanya ngunit sa isang iglap ay nakakuha na rin siya ng espada at nakatutok ito sa aking leeg.
"Hindi mamamatay ang bampira gamit ito maliban na lamang kung mahal mo ako, mamamatay ka," nakangising sabi nito.
"Deimos, alang-alang kay Luna. Itigil mo na ang pagrerebelde," pakiusap ko ngunit tumawa lamang siya ng malakas.
"Itigil ko ang pagrerebelde? Nahihibang ka na ba? Pagkatapos mong angkinin si Luna. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon upang makilala niya ako," sabi nya at nakitang umigting ang kanyang panga.
"Paumanhin sa lahat. Humihingi ako ng tawad sa aking mga nagawa."
"Humihingi ng tawad? Hindi mo na ako kailan pa mabibilog. Alam mo, hindi basta-basta namamatay ang mga bampira. Pero kapag nasugatan, iindahin mo pa rin," nakangising sabi nito.
"Patawad Deimos ngunit kung nais mo ang makipaglaban sa akin, hinding-hindi kita uurungan," matapang na sabi ko at inatake siya gamit ang aking espada. Kaagad naman niya itong hinarang gamit ang kanyang espada.
"Seryoso ka ba talaga, Phobos? At sa tingin mo ay mananalo ka sa akin? HAHAHA! Nahihibang ka na," pang-iinsulto nito at siya namang umatake na sinalag ko gamit ang aking sandata.
"Hindi ka mananalo sa akin sapagkat ako si Phobos at ikaw si Deimos," nakangising sabi ko sa kanya.
"Kahit mas magaling ka sa akin gumamit ng espada noon, hindi mo na ako kilala ngayon," sabi nito at patuloy sa pag-atake na nilalabanan ko naman.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...