LUNA'S POV
Pinagmasdan ko ang papalayong si Elara. Nang hindi na natatanaw ng aking mga mata ang kanyang bulto ay muli kong pinakiramdaman ang paligid. Wala naman akong nararamdamang kakaiba kaya ipinagpatuloy ko na ang aking pagtahak papunta sa lagusan.
Nang makarating dito ay kagaya ng kanina ay sinugat ko ang aking hintuturo sa malaking tinik. Muli, ito'y nagliwanag at bumukas ang lagusan. Agad ko itong pinasok.
Bago maka-abot sa mansyon ay kapansin-pansin ang tila malungkot na awra nito. "Anong nangyayari?" tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko maipaliwanag ang kaba na bigla ko na lamang naramdaman. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
Agad kong tinungo ang palasyo. Nang mayroon akong nakasalubong na tagapag-silbi sa pasilyo ay hinatak ko. "Anong nagaganap dito?" tanong ko.
Yumuko ito sa akin bilang paggalang. "Kamahalan, ikinalulungkot ko pong sabihin na ang iyong inang Metis—"
"Anong nangyari kay ina?!" pagputol ko sa kanyang sasabihin.
"Tuluyan na po siyang namahinga..."
Gamuntik ko nang mabitawan ang aking dalang mga rosas. Ibig sabihin nito... Wala na ang inang Metis... Wala na akong pagbibigyan ng mga mapupulang rosas...
Sa isang iglap ay narating ko ang kinaroroonan ng kanyang silid. Nakatitig lamang ako sa pintuan. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ito sapagkat sa tingin ko ay hindi ko kakayanin ang aking masasaksihan.
Pinalakas ko muna ang aking loob bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata sa pag-aakalang mapipigilan nito ang pag-agos ng aking mga luha ngunit nagkamali ako. Wala na akong magawa upang pigilan pa nang magbagsakan ang aking mga luha.
"Ina..." humahagulgol na sambit ko bago tuluyang lumapit sa kama kung saan siya nakahiga.
"Ina! Ina may dala po akong rosas para sa inyo! Gumising ka! Ina!" sigaw ko na para bang ako pa ay kanyang naririnig.
"Hindi ba't paborito ninyo ang mapupulang rosas? Ina... Paki-usap... Imulat mo ang iyong mga mata. May dala akong roas para sa iyo."
Inilagay ko sa mesa sa tabi ng kanyang higaan ang rosas at niyakap siya ng mahigpit.
"Simula nang maging kabiyak ko si Phobos, ang iyong anak, ikaw na ang tumayong aking ina. Napakasakit na sa pangalawang pagkakataon ay maramdaman ko nanaman ang ganitong pakiramdam... Ang mawalan ng ina."
Sobrang sakit ng aking nararamdaman. Kung tatanungin mo ako kung alin ang mas masakit sa pagitan ng pagtarak ng punyal sa akin o ang mawalan muli ng ina, sasabihin kong mawalan ng ina ang mas masakit. Sapagkat ang pagtarak mo sa akin ng punyal ay pisikal, ngunit ang mawala ang taong iyong lubos na minamahal, sakit na pang-emosyonal iyon na hindi madaling magamot.
May tumapik sa aking balikat kung kaya't napabitiw ako sa pagkakayakap kay ina. Si Phobos, ang aking kabiyak.
"Phobos, mahal... W-wala na ang ina," humahagulgol ma wika ko rito.
Tumayo ako at agad siyang niyakap. Siya lamang ang makakapitan ko sa ngayon. Siya lamang.
"Mahal... H-hindi ko yata kakayanin. Nawalan nanaman ako ng... Ng mahal sa buhay." umiiyak na na sabi ko.
"Mahal, kailangan nating tanggapin kung ano man ang nangyayari ngayon. Wala tayong magagawa kung hindi tanggapin na lang," payo nito at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...