KABANATA 26

984 38 2
                                    

EUROPA'S POV

Kasabay ng pagsara ng kanyang nga mata ay ang pagkalaglag ng aking kwintas. Ang kwintas ko na simula noong bata pa ay hindi ko natanggal. At ngayon ay natanggal na.

Ramdam ko na sumakit ang aking ulo kaya napaluhod ako at napahawak sa aking ulo. Hindi ko maipaliwanag ang sakit.

Hindi rin naman nagtagal ang sakit at pinilit kong tumayo. Humawak ako sa pader para hindi matumba.

Iminulat ko ang aking mga mata. H-hindi pwede to! Ilang beses akong kumurap-kurap at hindi pa rin ito nagbago!

"Anong nangyari sa mga mata ko? Bakit sobrang linaw ng paningin ko?" takhang tanong ko sa aking sarili.

Kahit kasi malayo na ay parang nakasilip ka sa isang telescope sa sobrang linaw.

Napatingin ako sa aking mga kamay at nakita ko na sobrang putla ng aking kulay. Sobrang kinakabahan ako sa nangyayari sa akin.

Tinungo ko ang aking kwarto at humarap sa salamin.

"H-hindi ito maaari," naiiyak na sabi ko.

Maputlang balat at tila walang buhay na mga mata. A-at... Pangil?

Napalunok na lamang ako sapagkat natatakot ako. Kung gayon ay hindi ako tao? Isa akong bampira?

Naramdaman ko na sobrang nanunuyo ang aking lalamunan. Nauuhaw ako. Gusto kong uminom.

Hindi ko alam kung papaanong sa isang iglap ay nakapunta agad ako sa kusina namin. Kumuha ako ng tubig ngunit naamoy ko pa lamang ay parang susuka na ako kaya hindi ko ininom.

Anong gagawin ko? Lumabas ako sa aming bahay at humarang sa akin si...

"Adrastea?" takhang tanong ko sa kanya.

"Kamahalan," bati nito at yumuko sa akin. Napatingin ako sa kanyang hawak. Isang baso na mayroong laman na dugo.

Hindi ko alam ngunit parang may nagsasabi sa akin na dapat ko iyong kunin at inumin.

"Alam kong nauuhaw na kayo kung kaya dinalhan—"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita at agad na inagaw sa kanya ang baso at tuloy-tuloy kong ininom.

Noon sinasabi ko na kadiri ang uminom ng dugo pero ngayon kinakain ko rin ang mga sinabi ko. Heto ako ngayon, sabik na sabik inumin ang dugo na bigay ni Adrastea.

"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong nito nang natapos kong inumin ang dugo na bigay nya.

"Anong nangyari sa akin?" naguguluhang tanong ko.

"Tao ako, hindi ba? Tapos bakit ganito? Anong nangyari sa akin?" sunod-sunod kong tanong. Buong buhay ko, akala ko tao ako pero hindi pala.

"Ipaliwanag mo sa akin ang lahat, Adrastea. Anong nangyari?"

"Namamahinga na siguro si Callisto ngayon sapagkat lumabas na at nagpakita na ang totoong ikaw," sabi nya na ikinakunot ng aking noo.

"Anong mayroon kay Callisto?"

Itinuro niya ang aking leeg kaya napatingin ako dito.

"Wala ka nang suot na kwintas. Ang kwintas na iyon ay ibinigay ko sa iyong ina at noong nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng nga rebeldeng mga bampira. Nais ka nilang makuha sapagkat mapapakinabangan ka nila at gagamitin sa masama."

"N-naguguluhan ako," iiling-iling kong sabi.

"Natanggal ang kwintas dahil namatay na ang nagsuot sa iyo nito. Kaya nawala ang pagiging isang bampira mo ay dahil sa kwintas na iyon. Nagsilbi mo rin itong proteksyon sapagkat walang ibang Aklirah na makakahawak sa iyo kung hindi ang taong nagpasuot sa iyo ng kwintas. Kaya ako, hindi ko kailanman na binalak na hawakan ka noong suot mo na iyon."

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon