KABANATA 30

1.3K 43 1
                                    

EUROPA'S POV

"Kamahalan, ano pong nais ninyong isuot? Itong kulay pula o itong puti?" tanong ni Titania at ipinakita sa akin ang dalawang bestida.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Sinuri ang mga bestida na kanyang hawak.

"Itong puti ang nais kong isuot. Simple lamang ito ngunit maganda," nakangiting sabi ko.

"Alam nyo po ba, kamahalan, naikwento sa akin ni Himalia na mahilig rin sa mga simpleng disenyo ang mahal na reyna. Alam ko na po kung kanino kayo nagmana," nakangiting sabi nito.

"Ganun ba?" natatawang sagot ko.

ADRASTEA'S POV

"Hindi ba nahihirapan ang aking kakambal sa kanilang sitwasyon?" tanong ni Calypso sa akin. Nandito siya ngayon sa aking tahanan.

"Syempre, nahihirapan siya. Ikaw ba naman ang mahiwalay sa taong mahal mo, hindi ka ba masasaktan?" balik na tanong ko sa kanya.

"Sabagay, mukhang napa-ibig na nga talaga ang isang yun," kibit balikat niyang sagot.

"Maswerte ka nga, alam mo ang mangyayari sa hinaharap. Ako nga, nangangapa pa kung kailan mo ako balak maging nobyo," natatawang sabi nito sa akin. Umiwas naman ako ng tingin.

Hindi ko nga alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na hindi ko na nakikita ang hinaharap. Simula kasi noong umibig ako sa isang ito, bigla na lamang nawala ang aking abilidad na iyon.

"Ewan ko sa iyo," tanging naisagot ko na lamang.

Sa puntong ito, ngayon ko lamang naranasan na hindi makita ang hinaharap. Parang isa akong bulag na nangangapa sa dilim. Kagaya na rin ako ng mga karaniwang Aklirah. Nangangapa sa kung ano ang kanilang kapalaran o kung among mangyayari sa kinabukasan.

"Sa palagay mo ba, mahahanap ng aking kapatid ang saya na dapat para sa kanya?" muling tanong nito kaya napalingon ako sa kanya.

Hindi ko alam ang aking sasabihin. Tila ba parang mayroong nakabaon na karayom sa aking lalamunan at hirap magsalita.

"Baka mahanap nya naman. Lahat ng nilalang sa mundong ito, mahahanap ang kanilang kasayahan," sagot ko.

"Lahat? Bakit ang aking ama, hindi niya nahanap ang kanyang kaligayahan?" tanong nitong muli.

"Siguro... K-kaya hindi niya nahanap sapagkat nilamon siya ng inggit at galit. Namuo iyon sa kanyang puso. Hindi niya nakontrol ang sarili at nagpalamon na lamang dito." Napatango na lamang ito at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

THYONE'S POV

"Uncle, kailan ba pakakawalan si Rhea? Sobrang miss ko na kasi sya," malungkot na tanong sa akin ni Dione.

"Hindi ko rin alam eh. Basta, si kuya na ang magdedesisyon tungkol diyan. Sa ngayon, maghintay na muna tayo," sabi ko. Nakita ko naman sya na lumukot ang mukha at bumuntong hininga.

I pulled her para mayakap ko sya. I think she needs this kind of comfort.

"Don't be sad, ako ang nalulungkot eh," natatawang biro ko sa kanya.

"Hindi nyo ba ako isasama sa hug na yan?"

Sabay kaming napalingon ni Dione sa nagsalita.

"R-rhea?" nakangiting sabi ni Dione. Wala pa mang ilang segundo ay nakalapit na ito sa kapatid at niyakap.

"Kuya? Anong nangyari? Bakit parang iba si Rhea ngayon?" tanong ko kay kuya Themisto na sa isang iglap ay nandito na sa aking gilid.

"Counseling," tipid na sagot nito at ngumiti. Tinawanan ko naman sya at sinuntok sa braso. Tinignan nya naman ako ng masama.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon