THIRD PERSON'S POV
Marahan na sinuot ni Rhea ang kanyang cloak na kulay itim bago humarap sa salamin.
"I will make your life wretch, Europa," gigil na sabi niya sa kanyang sarili.
Binuksan niya ang pintuan ng kanyang magarbong silid at tinahak ang tahimik na pasilyo ng kanilang bahay. Gabi na kung kaya namamahinga na ang nakararami.
Habang pababa si Rhea sa hagdan ay napatigil siya nang biglang may humatak sa kanyang cloak.
"What are you doing, ate?" asar na tanong nito kay Dione na as usual, naka-itim na bestida.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sa iyo? Anong ginagawa mo? Where are you going?!" ubos pasensyang tanong ng kanyang ate. Alam kasi nito na may gagawin nanaman na kalokohan ang kapatid at ayaw niya na kunsintihin pa ito.
"Lalabas lang, magpapahangin," walang emosyong sagot ni Rhea.
"Come on, Rhea! Hindi na ako bata so don't you ever try to fool me! I'm your sister! Please naman, kung ayaw mong nag-aaway tayo sabihin mo na lang kasi ang totoo!"
"For what? Tapos kapag sinabi ko magpapaka-anghel ka nanaman at pipigilan ako?! No way!" sigaw ni Rhea bago tinabig ang kamay ng kapatid na kanina pa nakahawak sa kanyang damit. Inirapan niya ito bago maglakad muli pababa ng hagdan.
"Ganun pala? Edi sa iyo na rin mismo nanggaling na may binabalak ka ngang kalokohan," nakangising sabi ng ate Dione niya kaya napahinto siya sa paglalakad.
Dahan-dahang naglakad si Dione papunta sa harap ni Rhea. "Anong binabalak mo?" tanong ng ate niya tsaka tinaasan ng kilay ang nakababatang kapatid.
"It's none of your business," walang emosyong sagot nito.
"And so? Kapatid kita tapos wala akong pakialam sa mga ginagawa mo? Gusto mo bang sabihin ko kay uncle Themisto ang mga ginagawa mo ngayon para sya ang magsermon sa iyo?" nakangising tanong ni Dione sa kanya.
"Ate, please naman! Tigilan mo na ang pagiging santa mo! Hindi bagay sa iyo!" sigaw niya sa kanyang ate.
"At sinong nagsabi na santa ako?" mataray nitong tanong.
"For your information, bampira ako at hindi santa."
Tinalikuran na ni Dione ang kapatid dahil baka kung ano pa ang kanyang magawa dito.
"Do whatever you want. But for sure, in the end, you'll regret that."
Tuluyan ng bumalik si Dione sa kanyang silid at naiwan si Rhea sa hagdanan. Naiinis siya sapagkat palagi nalang humaharang ang kanyang ate sa mga gusto niyang gawin.
"Bitch," bulong ni Rhea bago tuluyang umalis ng kanilang bahay.
Nais nitong magtungo sa kanilang kaharian upang maisagawa ang kanyang plano.
Pumunta ito sa gubat kung saan matatagpuan ang lagusan patungo sa kanilang kaharian.
"Mahal na prisesa," bati sa kanya ng isang babae na nakita niya sa gubat. Yumuko ito bilang paggalang sa kanya.
"Actea, alam na ba ni Enceladus na nais ko siyang makita?" tanong ni Rhea dito.
"Opo mahal na prisesa. Naghihintay na siya malapit sa lagusan. At isa pa po, ginawa ko ang iyong nais. Ang walang maka-alam ng ating pagkikita," sabi pa nito kaya napangiti na lamang ang prinsesa.
"Maaasahan ka talaga, Actea. Maraming salamat," nakangiting sabi nito at tuluyan na nilang pinuntahan si Enceladus.
Si Actea Phora ang tapat na tagapag-silbi ni Prinsesa Rhea. Maalam rin siya sa mahika. Samantalang si Enceladus Thaigus naman ay isa sa magigiting na kawal na tagapag-bantay ng mga maharlika.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
WampiryBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...