EUROPA'S POV
Pinagmamasdan ko ang aking mga kamay na puro dugo. Patuloy lamang sa pagtulo ang aking luha. Naglalakad ako sa kawalan.
Galit. Galit ang nararamdaman ko ngayon sapagkat hindi makatarungan ang ginawa ni Callisto. Sa lahat ba naman kasi ng tao-este bampira, bakit sya pa? Parang mas natatanggap ko pa nga kung si Adrastea ang pumatay kay nanay kaya lang hindi eh. Sya pa rin talaga.
Napaupo ako sa ilalim ng isang malaking puno at patuloy na umiiyak. Mukhang walang katapusan ang pagbaha ng aking nga luha.
Sumulyap akong muli sa kalangitan. Mga bituin at bilog na buwan.
"Ang malas ko kapag bilog na ang buwan," natatawang sabi ko sa aking sarili.
"Iniwan na nga ako ng tunay kong mga magulang, pati ba naman si nanay? Kawawa naman ako," mapait na sabi ko.
Kasing dilim ng langit ang aking nararamdaman. Galit, poot, hinanakit, lahat na. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nang maalala ko ang aking kwintas ay pilit ko itong tinatanggal subalit ayaw matanggal.
"Bakit ba ayaw matanggal!" asar na sabi ko habang hinihila ang kwintas sa akin ngunit ayaw pa rin.
Pakiramdam ko ngayon, sobrang traydor ng mundo. Tinalikuran ako ng mga magulang ko, iniwan ako ni nanay... At si Callisto. Nagtraydor sya sa akin... Sa amin ni nanay.
Niyakap ko ang aking dalawang tuhod. Ako na lang mag-isa. Wala nang natira sa akin. Lahat na lang kinuha.
At nagtaksil si Callisto...
---
Naalimpungatan ako nang maramdamang mayroong pumapatak sa aking ulo. Agad kong itiningala ang aking tingin.
Umuulan pala.
Dahan-dahan akong tumayo at ipinikit ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pananakit nito. Sa kakaiyak siguro kaya nagkaganito ako.
Napangiti na lamang ako ng mapait nang maalala iyon.
"Umiyak na ako at lahat-lahat, masakit pa rin," natatawang sabi ko.
Napatingin ako sa paligid at napansing malayo pala ang narating ko dahil sa kakalakad. Ito naman ang gusto ko eh, lumayo sa reality.
Tiningala ko ang kalangitan at napatakip sa aking magkabilang tainga nang makarinig ng isang malakas na kulog.
Akalain mo yun, pati ang panahon nakikisama sa aking nararamdaman. Kahit papaano may karamay ako.
Sinimulan ko na ang paglalakad pauwi sa aming bahay. Ito nanaman, babalik sa masamang reality na sana panaginip na lang.
Wala sa sariling naglakad hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako patungo. Hindi ko na rin kasi alam kung kaya kong umuwi sa bahay. But hey, I can't escape.
"Kamahalan."
Napa-angat ang aking tingin nang marinig ko ang boses na iyon. Medyo kalamdo na sana ako eh, kaya lang nakita ko nanaman ang kanyang pagmumukha.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!" galit na sabi ko at pinaghahampas ang kanyang dibdib.
"T-teka, ano ba ang iyong sinasabi?" naguguluhang tanong nito tsaka hinawakan ang aking dalawang kamay upang hindi ko na sya mahampas.
"I-ikaw yun, hindi ako m-maaaring magkamali," naiiyak na sabi ko.
Mga taksil na luha. Ayan nanaman ang kanilang pagbuhos.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...