EUROPA'S POV
Nang malapit na kami sa aking bahay ay natanaw ko si nanay sa labas.
"A-anak? A-anong nangyari s-sa kanya?" tarantang tanong ni nanay kay Callisto.
Hindi ba dapat magulat si nanay kasi kasama ko sya?
"Ano bang nangyari sa inyo? Oh sya pumasok kayo sa loob," tarantang sabi niya at pinapasok kami sa loob. Inilapag naman niya ako sa kama.
"Callisto!" sigaw ko nang bigla siyang bumagsak. Kasalanan ko ito eh!
Akmang tatayo na sana ako ngunit lumabas yung babae kanina! Yung nakasuot ng violet!
"Magpahinga kana dyan, ako na ang bahala sa kanya," sabi ng babaeng dumating at inalalayan si Callisto na mukhang maluba ang lagay.
"A-anak ayos ka lang ba?" alalang tanong ni nanay nang makalabas sa kwarto ko yung babae kasama si Callisto.
"Opo nay, ayos lang po ako. Si Callisto! Sya ang hindi maayos," sagot ko at akmang tatayo ngunit pinigilan niya ako.
"Isipin mo muna ang sarili mo bago ang iba," sabi niya ngunit umiling ako.
"Nay, niligtas nya ako! Baka kung anong mangyari sa kanya!" alalang sabi ko at akmang tatayo ngunit tinuro ni nanay yung kwintas ko.
Itong kwintas na suot ko simula bata pa ako. Ni minsan ay hindi ko pa ito hinubad.
"Hanggat suot mo yan ligtas siya," napatingin naman ako sa aking kwintas at napahawak.
"Paano mo nalaman iyan nay? Tsaka—"
"Magpahinga ka na muna, bukas ko na ipapaliwanag sa iyo ang lahat," nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa noo bago umalis. Isinarado niya rin ang pinto.
Muli akong humiga sa aking kama at napatitig sa kisame.
"Sino ka ba talaga, Callisto?"
---
Kagaya ng nakasanayan ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit paggising ko ay wala na akong masakit. Dapat masakit yung paa ko dahil natapilok ako kagabi.
Si Callisto...
Agad akong napatayo nang maalala ko sya. Hindi maganda ang lagay niya kagabi at kasalanan ko kung bakit nangyari iyon sa kanya.
Papalabas pa lamang ako ng pinto ngunit sumalubong sa akin ang malakas at malamig na hangin.
Maya-maya ay tumambad sa akin si Callisto. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya.
Wala na ang sugat sa kanyang leeg. Wala ring kahit na anong marka o peklat. Iba na rin ang suot niya ngayon.
Napapa-isip tuloy ako na kung bakit kapag nandyan sya sa malapit sa akin ay umiihip ang ganung klase ng hangin.
Napatingin ako sa kanyang dala-dala. Plato ito na mayroong pagkain. Napakunot naman ang aking noo.
"Magandang umaga po, kamahalan," bati niya at bahagyan yumuko.
Kung hindi lang sana siya weird masasabi ko na perfect guy na sya. Kaso hindi eh! Ang wirdo niya. Kagabi pa tawag ng tawag sa akin ng prinsesa at ngayon naman kamahalan.
"Ayos kana ba?" tanong ko sa kanya.
"Opo, kumain ka na po upang makabawi ng lakas. Mayroon ka pang klase," nakangiting sabi nito at iniabot sa akin ang platong may lamang pagkain.
"Nasan si nanay? Bakit ikaw ang nandito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Umalis na si Elara, may pupuntahan daw po. At tsaka hindi pa po ba kayo sanay? Lagi naman po akong nasa iyong tabi," sagot niya bago inilapag ang pagkain ko doon sa mesa malapit sa aking kama.
BINABASA MO ANG
My Vampire Guard (COMPLETED)
VampireBampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. ...