KABANATA 03

2.2K 55 0
                                    

LUNA'S POV

Naka-upo ako ngayon sa aking kama at pinagmamasdan ang kwintas na balak kong ibigay kay Elara. Matagal-tagal na rin simula noong tumungo ako sa mundo ng mga tao at nakilala sya.

Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng katok. "Sino naman kaya iyan?" bulong ko sa aking sarili.

Marahan kong tinungo ang kinaroroonan ng pinto at binuksan. "Kamahalan, dugo po para sa inyo," wika nito na mayroong dala-dalang dugo na nakalagay sa baso. Nakayuko rin siya ng bahagya bilang paggalang.

Pinagmasdan ko lamang siya at kumunot ang aking noo. "Bago ka lamang bang tagapag-silbi dito? Ngayon lamang kita nakita," takhang sabi ko. Hindi nabanggit sa akin ng aking asawa na mayroong bagong tagapag-silbi.

"O-opo, kamahalan, bago lamang po ako dito," nakatungong sagot niya.

"Ano ang iyong ngalan?"

"Himalia Preseena po, kamahalan," sagot nito. Kinuha ko ang kanyang dala at agad na ininom. Mayroong napadaan na tagpag-silbi kaya iniabot ko sa kanya ang walang laman na baso.

"Himalia, maaari mo ba akong samahan kay Adrastea Heia? Kailangan ko siyang maka-usap at mayroon akong ipagagawa sa kanya," mahabang litanya ko.

"Opo naman, kamahalan. Ikagagalak ko kung ako ang iyong makakasama papunta kay Adrastea," nakangiting sabi nito. Nginitian ko naman siya at tinanguan.

"Kailan niyo po ba nais makipagkita kay Adrastea, kamahalan? Ngayon na po ba?" muling tanong niya.

"Oo, ngayon ko siya nais puntahan. Mauna kana sa baba at doon mo ako hintayin," utos ko sa kanya.

"Masusunod po," magalang na sabi niya at akmang aalis na ngunit hinawakan ko ang kanyang braso dahilan upang siya ay mapatigil.

"Bakit po?"

"Maaari bang, walang ibang makakaalam ng ating pagpunta kay Adrastea bukod sa ating dalawa? At kapag nakakita ka ng tagapag-silbi na malapit sa labasan ng mansyon ay sabihan mong maglinis sa ikatlong palapag. Sabihin mo na utos ko iyon."

"Masusunod po," tugon nito at yumuko sa akin bago tuluyang umalis.

Bumalik naman ako sa loob ng aking silid at kinuha ang dalawang kwintas na hugis buwan. Nabanggit sa akin ni Elara na nagkalat na ang masasamang bampira. Kailangan niya ng proteksyon upang hindi siya masaktan ng kahit sino.

Maingat akong naglakad sa pasilyo ng mansyon at pinapakiramdaman ang paligid kung mayroon bang nakamasid.

"Opo kamahalan, masusunod po," rinig kong sabi ng isang lalaki sa di kalayuan kaya ako ay naalarma at napatago sa pader.

Kinakabahan ako na baka malaman ni Phobos ang aking mga ginagawa at alam kong magagalit sya. Ayaw nyang makipagkaibigan ako sa mga Arusseb at tumungo sa mundo ng mga tao dahil delikado.

"Luna, mahal? Anong ginagawa mo diyan?" rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kung kaya pinilit kong ikalma ang aking sarili at humarap sa kanya.

"Mahal, i-ikaw pala," nakangiting sabi ko rito at niyakap siya.

Pinagmasdan ko ang kanyang bihis at kumunot ang aking noo nang mapansing nakasuot siya ng pang-alis na damit.

"Aalis ka? Saan ka tutungo?" takhang tanong ko sa kanya.

"Kailangan kong pumunta sa mundo ng mga tao. Mayroon kaming pag-uusapan ng kanilang pinuno," sagot nito na tinanguan ko naman.

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon