III

1.7K 37 6
                                        

Chapter Three

WAKE UP!

Nang dumating na ang araw ng lunes, maaga akong nagising dahil sa alarm na naka set sa phone ko. Alas singko ko iyon sinet kahit alas otso pa ang pasok namin kailangan kong magluto.

Kahapon ay nag-iwan na naman ng bag si Lola V sa veranda ng kwarto ko at isang shoulder bag iyon na gagamitin ko sa school may wallet din doon na may five thousand at nandoon na din ang student manual kung saan nandoon ang map ng buong campus.

Doon din ilalagay sa student manual kung bakit ka absent sa araw na umabsent ka at doon din ilalagay ang mga announcement.

May note din doon katulad ng palagi niyang ginagawa.

'Astraea 'yung five thousand sa loob ng wallet mo ay para sa pocket money pero kuhanin mo pa din ang allowance mo sa ATM na ibinigay ko at nandoon din 'yung pang grocery na text na kita kung magkano ang allowance mo per week at ang gagastusin mo pang grocery at magpasama ka na lang sa apo ko kahit kanino sa kanila mamayang hapon pag-uuwi na kayo. Good Luck sa first day mo!

-Lola V'

Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago ako lumabas nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Lola V

'Yung gamit mo nasa locker na No. 258 ang locker mo at yung susi ay nasa may pocket ng shoulder bag mo :)

Nang mabasa ko ang text ay nilapitan ko ang shoulder bag na nakapatong sa study table napangiti naman ako na nandoon nga ang susi kaya nagreply ako kaagad kay Lola V.

To: Lola V

Thank you po!

'Yun lang ang ni reply ko saka ako bumaba, nagsuot agad ako ng apron nang makapasok na ako ng kusina tulog pa din ang mga halimaw dahil alas singko pa lang kailangan kong gumising ng maaga dahil kahit na alas otso pa ang pasok namin ay kailangan naming kumain bago pumasok.

Nagluto lang ako ng bacon, egg, hotdog, at fried rice. Nang maluto ko iyon ay inayos ko doon sa lamesa ang mga niluto ko inayos ko din sa isang plato ang isang loaf ng slice bread. Naggawa din ako ng orange juice saka ako naglagay ng tigitigisang baso at sinalinan ko ang mga baso namin.

Nang makasalin na ako sa mga baso namin ay hinugasan ko na ang pitsel at inilagay sa loob ng isang cabinet doon kung saan talaga nakalagay iyon.

Saka ako kumuha ng isang pitsel ng tubig at nilagay doon. Binuhay ko na din ang coffee maker dahil iinom ako ng kape mamaya.

Tinanggal ko ang apron saka ko ito isinabit sa likod ng pintuan ng kusina pagkatapos no'n ay lumabas ako ng kusina at umakyat sa taas. Pumunta ako ng kwarto ko at pinunasan ang mukha ko dahil pawis na ang mukha ko.

Pagkatapos no'n ay sinuklay ko ang buhok ko at niladlad na iyon hindi katulad kanina na naka messy bun. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras alas sais siete na halos isang oras ang tinagal ko doon sa kusina.

Lumabas na ako ng bitbit ang cellphone ko saka ko kinatok ang kwarto sa gilid ng kwarto ko.

"F*ck, who's that?!" Ang init ng ulo ang aga-aga binuksan ni Tyllex ang kwarto niya at nakita ko siya magulo ang buhok at naka sando at shorts lang.

"You need to wake up demon, it's already six in the morning! Kailangan niyong kumain bago pumasok!" sigaw ko sa kaniya at tinalikuran na siya.

Living With The DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon