Chapter Twenty Eight
STAY AWAY FROM HIM
Bumalik na kami sa klase ng matapos kaming kumain sa may garden. Naupo agad ako sa upuan ko katabi ni Krozon.
Wala ng naganap na usapan sa aming dalawa ni Krozon dahil dumating na ang susunod naming professor.
Hindi ako nakinig aa professor namin dahil tila mayroon akong nararamdamang kung ano pero hindi kong maisip kung ano yun.
"Earth for Miss Cybele!" Natauhan ako sa hiyaw ng professor namin.
"Are you with us, Miss Cybele?"
"I'm so sorry Madam, I'm not feeling well. May I go out?" I asked.
"Sure"
"Thank you, Madam" I picked up all my things then walked towards the door.
Naglakad ako papunta sa locker room at kaagad na pinuntahan ang locker ko dahil ilalagay ko doon ang laptop ko kahit na ayaw na ayaw ni Tyllex na iniiwan ko ito dito. Pero ginawa ko pa din.
Ng mabuksan ko ang locker ko ay may lumaglag na papel doon. Isang pilas lang iyon mula sa isang notebook saka inipit doon. Pero mukhang misteryo ang laman niyon kaya pinulot ko at binuklat.
'Stay away from him'
Him?
Who? Tyllex? Krozon? Oreson? Hworzen? Selaneo? Jreix? Erishan? Not Rashon because he's not here...Or maybe Andreio?
What about Andreio? He's just my friend. We're not so close but we're friends. Saka ngayong araw lang kami unang nagkasama...kaya bakit siya?
I crumpled the paper then I put it inside my pocket. Inilagay ko na ang laptop sa loob ng locker ko saka ini-lock yun at nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang sa dinala ako ng paa ko sa gate ng campus namin. Mabuti at walang nakabantay doon kaya binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makalabas ako ng school.
Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon saka sinabi kung saan ako pupunta. Hindi ko na pinapasok pa ang taxi sa loob ng main gate ng mansyon at doon na lamang ako nagpababa.
"Good afternoon, Lady Astraea!" The guards greeted me.
"Good afternoon" I said they just nodded then let me in.
"Gagamit po ba kayo ng golf cart?" He asked.
Umiling ako.
"Saka po bakit po kayo maaga ng isang oras bago ang uwian niyo? Mamaya pa pong alas dos ang uwian niyo, hindi po ba?" Tanong nito sa akin.
"I'm not feeling well, so I go home early"
"Ganoon po ba? Dapat po ay tumawag kayo para masundo po kayo" suwestiyon nito.
"I can manage myself, saka baka makaistorbo ako. Mauuna na ako" Tumango na ito kaya naman nagsimula na akong maglakad.
Hindi ako masyadong naiinitan dahil sa dami ng mga punong nakalagay sa bandang kanan ko ganoon din naman sa pagtawid ng daanan may mga puno din doon.
•
I entered my room when I already reached the mansion. I think I need some rest for now. I need to relax, ang dami kong iniisip dumagdag pa yung letter na natanggap ko.
Pumasok ako sa banyo at hinubad lahat ng damit ko saka ako nagsuot ng bath robe at binuksan ang tubig para mapuno ang bath tub.
Nilagyan ko na ng sabon ang bath tub saka hinubad ang bath robe ko at saka itinubog ang sarili doon. I slowly closed my eyes when I got contented with my position.

BINABASA MO ANG
Living With The Devils
RomanceUNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is it for a purpose?