XXVII

754 5 0
                                        

Chapter Twenty Seven

FRIENDS

I cursed silently. Ano bang pinagsasabi ko?! Ang rupok ko talaga! Bakit ba ako nagiging ganoon kapag si Tyllex lang ang kasama ko. Arggh!

Tumakbo na ako pababa habang dala ang gamit ko. Nadatnan kong kumakain sila sa may kusina at naupo na din ako.

"Where's Tyllex?" Selaneo asked.

"I do—"

Tyllex entered the dining area and then he seated beside me. Kumuha na siya ng pagkain niya at kumain na siya doon ng tahimik bahagya pa ding namumula ang tenga niya napangisi naman ako.

"Matunaw yan, mawalan pa ako ng isang abnormal na pinsan" Narinig kong sabi ni Oreson at napatingin ako sa kaniya.

"What?" I raised my right eyebrow.

"Nothing" then he started eating again like he said nothing.

Sinimulan ko na ding kumain at ng matapos ako ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at hinugasan ito.

Pumasok ako ng comfort room sa may gilid ng stair case at kinuha ang sarili kong toothbrush saka nagsimulang mag toothbrush. Naglagay na kami ng sarili naming toothbrush dito sa ibaba para hindi na kami pa balik-balik sa taas at babalik dito sa ibaba.

Ng matapos akong mag toothbrush ay lumabas na agad ako ng hindi manlang tinitingnan ang mukha ko sa salamin dahil may kumakatok na sa labas.

Lumabas na ako doon at nakita ko si Tyllex, I glared at him. He chuckled. Inilapit niya ang kamay niya sa mukha ko pero umiwas naman ako.

"Come here" He commanded me.

"No" I said.

"Then ako ang lalapit sayo" ganoon ang ginawa niya at inipit ang mukha ko sa malaki niyang kamay at naramdaman kong pinunasan niya ang gilid ng labi ko.

"May bula ka pa" Sabi niya habang nakangisi.

"Weh?" Hindi ko makapaniwalang sagot dahil akala ko malinis ang mukha ko kaya hindi na ako nag-abala pang tumingin sa salamin.

"Kaya ko nga pinunasan diba?" Napairap na lang ako, "Wait for me here, mag-to-toothbrush lang ako" Sabi niya at pumunta ng comfort room at hindi na nag-abala pang isarado iyon.

Matapos niyang mag-toothbrush ay tumingin pa siya sa salamin at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Naglakad na siya at hinigit niya ako sa bewang.

"Let's go?" I nodded.

We continued walking until we reached the garage. Then he opened the door for me so I entered his car.

Umikot naman siya sa kabila at sumakay doon. He started the engine of his car then he drived smoothly.

"Do you love me?" He asked.

"Why would I say yes if I don't?"

"Just asking" He said.

"Do you love me?" Binalik ko naman ang tanong niya sa kaniya.

Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niyang inihinto ang sasakyan niya at hinila ang ulo ko palapit sa kaniya at siniil ako ng halik.

Matapos niya akong halikan ay nagsimula na muli siyang magmaneho.

"Nagtataka ka pa ba?" Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hanggang sa nakarating na kami ng campus ay hindi ko na siya hinintay pang bumaba para pagbuksan ako ng pintuan.

Living With The DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon