Chapter Thirty Three
THAT BLACK PAPER
Astraea Xielxen Cybele
Tumingin sa akin si Tyllex bago siya tumalon sa stage at tumakbo paalis.
"Tyllex!" Shouted his name.
"Walanghiya ka Stephy!" Sigaw ko kay Stephy na nakangisi sa akin.
"Oh poor little Astraea, he's gone now. Nalaman na ng buong campus ang sikreto niyo" Sabi niya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko bakit ko ba sinabi yun? Hindi yun totoo!
"Camera paki tapat kay Astraea please...Look guys! Umiiyak siya kasi nabuking na sila!" Tumawa pa ito ng sobra.
Lumakas ang bulong-bulungan ng mga tao.
"Wait! Sandali lang!" May sumisigaw na babae sa dagat ng estudyante.
"Look what I found!" Nakalapit na ang babae at umakyat siya ng stage.
"Relievya..." utas ko sa pangalan ng babaeng umakyat sa stage may dala siyang Identification card.
"Look at her Identification card! Nakalagay dito na her real name is Astraea Xielxen Cy—"
"Stop that witch alam namin ang pangalan ng babaeng yan It's Astraea Xielxen Al Farraih Cybele" Pigil ni Stephy sa sasabihin ni Relievya.
"No! It's Astraea Xielxen Cy—" Natigil ulit si Relievya.
"I said enough! You witch!" Sigaw ni Stephy kay Relievya.
"It's Astraea Xielxen—" This time hindi na si Stephy ang naging dahilan ng pagtigil ni Relievya.
It's Tyllex, kinuha niya ang Identification card kay Relievya.
"Itapat niyo sa Identification card ang camera!" Sigaw ni Tyllex at kitang-kita na ng lahat ang nakalagay sa Identification card dahil sa LED screen.
"It's Astraea Xielxen Al Farraih Cybele Laminaria!" Sigaw ni Tyllex kaya naman nagulat ako at napatingin na din sa LED screen.
Nakalagay sa ilalim ng picture ko ang buong pangalan ko. Astraea Xielxen Cybele-Laminaria.
What the f*ck?
"She's not my cousin! She's my wife! Do you hear that clearly she's my wife!" Sigaw ni Tyllex sa mga estudyante.
"And you bitch you will rotten in hell! You dared to harm my wife!" Naguguluhan na ako...
Wife? I'm his wife? How?
"Nasaan ang proweba mo Tyllex?" Hamon ni Stephy.
Inilabas ni Tyllex ang laman ng dala niyang brown envelope.
"Here's her birth certificate and look!" Ipinakita ni Tyllex sa harapan ang papeles na dala niya.
"Nakalagay dito na ang full name niya ay Astraea Xielxen Al Farraih Cybele, anak ni Areal Nathaniel Cybele at ni Lyxen Trinua Al Farraih-Cybele" Sabi niya.
At may kinuha siyang muli sa loob ng envelope napatitig ako sa hawak niyang papel. That black paper is too familiar.
'Habang nasa kwarto ako at naglalaro sa cellphone ko biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Who's there?!" I hissed.
"Uhhm Ma'am Astraea pinapatawag po kayo ng Mommy niyo" Sabi ng katulong.
"Sabihin mo na hintayin niya ako!" Sabi ko at pinatay ko na ang cellphone ko saka ko tiningnan ang mukha ko sa salamin. I'm still beautiful.
Bumaba ako papunta sa office nila Mommy at Daddy.
"Why Mom?" Tanong ko sa kaniya.
"Sign it" May inilapag siyang papel sa harapan ko.
"Why would I?"
"Just sign it!" Sigaw nito sa akin kaya napairap na lang ako saka lumapit sa lamesa niya.
Isang blangkong itim na papel iyon.
"Where?" I asked.
"Lower left part" Tinuro na rin niya kaya pinirmahan ko na. '
That black paper...I still remember it.
May kinuha si Tyllex na lighter sa bulsa niya at binuhay niya iyon. Ikinalat ang sindi ng lighter sa papel.
"This is our marriage certificate signed by me, and signed by Astraea" Kitang-kita ko sa LED screen ang papel malinaw na malinaw ang pirma ko doon.
"Gosh kaya pala ganoon na lang ang concern ng mga Laminaria sa kaniya"
"Ang swerte ni Astraea!"
"Ang yummy ng hubby ni Astraea!"
Panay mga boses ng estudyante ang naririnig ko pero nasa isip ko pa din kung anong nangyari. Ibinalik na ni Tyllex ang mga papeles sa envelope at hinagis iyon kay Jreix na agad naman nitong sinalo.
Tulala naman akong nakatingin kay Tyllex lumuhod siya sa harapan ko.
"T-totoo y-yun lahat?" Nanginginig kong tanong sa kaniya.
"Yes Astraea, I'm sorry for keeping this secret from you" He said then he kissed my forehead. "I love you my wife"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin!" Inis kong pinagbabayo ang dibdib niya habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata.
"I hate you, Tyllex!" Sigaw ko at pinagpatuloy ang pagbayo sa dibdib niya.
"Astraea, please forgive me..."
"No!" I shouted.
"Please...I will explain please..." He begged.
"No Tyllex! I don't need your explanation!" Patuloy ang paghampas ko sa kaniya pero niyakap niya ako hanggang sa naramdaman kong inangat niya ako.
"Let me go! Tyllex!" Sabi ko at hinampas-hampas ko pa din ang braso niya maging ang dibdib niya.
"Guys, let's go home" He's talking to his cousin.
Naglakad na si Tyllex ng tuloy-tuloy habang ako ay umiiyak habang buhat niya. I hate him!
"Damn you! Tyllex! Paano mo nagawang itago to sa akin ha?! We're together for one year! At sa loob ng isang taon na yun hindi mo sinabi! You're hurting me Tyllex! Ayaw na ayaw kong may nagsisinungaling sa akin! Napaka walanghiya mo!"
"Shhh baby...I already said sorry to you" Malamlam pa niyang tiningnan ang lumuluha kong mga mata.
"Sabi mo hindi mo ako sasaktan! F*ck you, Tyllex!" I hissed.
Umiyak ako ng umiyak habang sinisigawan siya hanggang sa maipasok niya ako sa kotse niya. Pinaandar niya na ito pero ako ay patuloy pa din sa pagtalak sa kaniya.
"Napaka walanghiya mo! Siguro pinilit ka lang ng magulang mo! Kaya ka pumayag ng ganto! At ang malala hindi ko alam na kinasal ako! Na iba na yung pangalan ko sa Identification cards ko! Na hindi na pala ako Cybele! Laminaria na pala! T*ng*na!" Sigaw ko at umiyak na naman.
I can't believe it! Where's my parents? Bakit nila ako hinayaan! At pumayag pa talaga sila na ipakasal ako sa taong hindi ko manlang kilala! Kabaliwan ang lahat ng ito p*ta!
Bakit ganto yung mundo sa akin! Gumagalaw ako sa mundong panay kasinungalingan! Pinaniwala nila ako na tinutulungan nila ako pero hindi! May purpose kung bakit ako nasa kanila!
The purpose is to make me fall in love with Tyllex! Kasi siya ang asawa ko ganoon? I'm married to him without any ceremony. Ang galing naman ng nagagawa talaga ng pera makakasal ka gamit lang ang pirma. My whole life sucks.

BINABASA MO ANG
Living With The Devils
RomanceUNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is it for a purpose?