XXXVI

613 7 0
                                        

Chapter Thirty Six

WELCOME HOME

Matapos kong mabasa ang sulat na nakalagay sa loob ng kotse may luhang tumulo mula sa aking mata.

Alam na nilang mawawala sila baka kung hindi nila ako pinrotektahan baka wala na din ako at kasama silang dalawa.

I'm want to say sorry to them. Dahil dati hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila. Sana na appreciate ko lahat ng paghihirap nila.

They raised me well. I studied at the most prestigious and trusted international school for fourteen years. My future is already planned but not in the good way but still they're already settled it.

Nung bata ako hanggang sa lumaki ako nabili nila lahat ng pangangailangan ko. Lahat ng luho na naramdaman ko galing sa kanila. I already appreciate it now, but they're already gone.

I sighed.

"Mom...Dad...Sana naririnig niyo ako ngayon. Thank you so much for everything. Mahal na mahal ko kayo" Bulong ko saka ko pinunasan ang mata ko.

"Ate Nelia, dito na po tayo sumakay" Sabi ko sa kaniya. "Saka po saan po ba yung sementeryo?" Tanong ko pa.

"Sa may pinaglibingan din po ng Lolo at Lola niyo" Sabi nito.

"Okay po" Sabi ko kay Ate Nelia agad siyang tumango at naglakad na papunta sa gate para buksan ito dahil walang guard doon ang mismong guard namin ang mahigpit na security sa loob at labas ng Private subdivision na ito.

I started the engine then I maneuvered it until I already got it straight to the right way. Huminto ako sa may labas ng gate dahil sasakay pa si Ate Nelia.

Ng makasakay na siya ay pinaandar ko na ang sasakyan patungo sa sementeryo.

"Mom...Dad..." Bulong ko habang umiiyak ng makita ang pangalan ng mga magulang ko sa dalawang lapida.

Umiyak lang ako ng umiyak habang nakaluhod sa harapan ng dalawang lapida.

"B-bakit naman ang aga? M-mom? D-dad? B-bakit niyo naman ako iniwan ka a-agad parang n-napaka unfair nun" Panay ang salita ko kahit na nasisinok na ako dahil sa sarili kong laway dahil sa kakaiyak.

"A-alam kong m-matanda na ako para umiyak dito parang hindi ko naisip y-yung ibang bata na lumaki ng walang m-maagulang pero iba ito eh, kasi ako mag-isa na akong l-lumaki dahil busy kayo at w-wala pa akong k-kapatid...Ang gara n-niyo M-mom at Dad hindi ko pa nga na appreciate yung mga g-ginagawa niyo sa akin habang n-nabubuhay kayo pero i-impossible na yun dahil wala na kayo, w-wala ng magagalit dahil sa k-katigasan ng ulo ko, w-wala ng magagalit sa akin kapag m-mali ang ginawa ko, wala ng ko-control sa kagagahan ko, w-wala ng magtatama ng mga m-mali ko, at wala na ding hindi papansin sa akin kahit nasa iisang bahay lang t-tayong t-tatlo" Patuloy pa din ako sa pag-iyak ko.

"M-mom! N-napaka-unfair n-niyo! B-bakit niyo ko i-iniwan ka agad! Dad?! Why?! B-bakit niyo pa a-ako i-iniligtas?! S-sana sinama niyo na din a-ako!" Naramdaman ko ang yakap ni Ate Nelia sa likod ko.

"Shhh...Astraea tahan na...wag mo namang sabihin yan sa mga magulang mo dahil ginawa lang nila yun dahil sa kapakanan mo..." Pahigpit ng pahigpit ang yakap ni Ate Nelia sa akin habang ako naman ay patuloy sa pag-iyak.

"How Ate Nelia?" Tanong ko sa kaniya.

"Anak wag mong sisihin ang mga magulang mo, dahil ginawa lamang nila iyon kasi iniisip nila ang kapakanan mo" Sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

Living With The DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon